Punò Nang Salitâ - Page 20 of 23

(A Complete Original Text in Ancient Tagalog of “Florante at Laura”)

343 Itó ang nagcalat n~g lásong masid-hi
sa ugát ng aquing púsong mapighatí,
at pinag-nasaang búhay co,i, madalí
sa pinangalin~gang uala,i, magsaulí.

344 Sa pagcabilangóng labing-ualóng arao
na iiníp acó n~g di pagcamatáy,
gabí n~g hangoi,t, ipinagtuluyan
sa gúba,t, na ito,t, cúsang ipinugal.

345 Bilang macalauang maliguid ni Febo
ang sangdaigdigan sa pagca-gapus co,
ng ina-acalang na sa ibang Mundó
imulat ang matá,i, na sa candungan mo.

346 Itó ang búhay cong silo-silong sáquit
at hindi pa tantô ang huling sasapit

mahabang salitá, ay dito napatíd,
ang guerrero naman ang siyang nagsulit.

347 Ang pagcabúhay mo,i, yamang natalastás,
tantoín mo namán n~gayon ang caúsap,
acó ang Aladin sa Perciang Ciudad
anác n~g balitang sultáng Alí-Adab.

348 Sa pagbátis niyaring mapait na lúhà
ang pagcabúhay co,i, súcat mahalatâ....
¡_ay Amá co_! _baguit_...? ¡_ay Fleridang toua_!
catoto,i, bayaan aco,i, mapayapa.

349 Magsama na quitáng sa lúha,i, ma-agnás,
yamang pinag-isá n~g masamáng pálad
sa gúbat na ito,i, antain ang uacás
ng pagcabúhay tang nalipós n~g hirap.

350 Hindî na inulit ni Florante namán
luha ni Aladi,i, pina-ibayuhan;
tumahán sa gúbat na may limáng bouan,
ng isang umaga,i, nagan-yác nag-libáng.

351 Canilang linibot ang loób n~g gúbat
cahit bahag-ya na macaquitang landás,
dito sinalità ni Alading hayág,
ang caniyáng búhay na cahabag-habag.

352 Aniya,i, sa madláng guerrang pinagda-anan
dî acó naghirap ng paquiquilaban,
para n~g bacahin ang púsong matibay
ni Fleridang irog na tinatan~gisan.

353 Cong naquiqui-umpóc sa madláng princesa,i,
si Diana,i, sa guitnâ ng maraming Ninfa,
caya,t, cun tauaguin sa Reino n~g Percia
isá sa Houris n~g m~ga Profeta.

354 Ano pa,t, pinalad na aquing dinaig
sa catiyaga-an ang púsong matipíd
at pagcaca-ísa ng dalauang dibdib,
pagsintá ni ama,i, nabuyong gumi-it.

355 Dito na minulán ang pagpapahirap
sa aqui,t, ninasang búhay co,i, mautás
at n~g mag victoria sa Albaniang Ciudad
pag dating sa Percia,i, binilangóng agád.

356 At ang ibinuhat na casalanang co
dipa útos niya,i, iniuan ang hocbó
at n~g mabalitang Reino,i, naibauí mo,
aco,i, hinatulang pugutan ng úlo.

357 Nang gabíng malungcót na quinabucasan
uacás na tadhanang aco,i, pupugutan,
sa carcel ay nasoc ang isang general
dalá ang patauad na laong pamatáy.

358 Tadhanang mahigpit, ay malís pagdaca
houag mabucasan sa Reino n~g Percia,
sa munting pag souáy búhay co ang dusa;
sinonód co,t, útos n~g Hari co,t, amá.

359 N~guni,t, sa púso co,i, matamis pang lubha
natulóy naquitíl ang hiningáng aba
houag ang may búhay na nagugunita
ibá ang may candóng sa Lan~git co,t, toua.

360 May anim na n~gayóng taóng ualang licat
nang linibot libot na casama,i, hirap....

nápatiguil dito,t, sila,i, may nabat-yág
nagsa-salitaan sa loób nang gúbat.

Learn this Filipino word:

sampúng piraso ang mukhâ