Pilipino : Isang Depinisyon - Page 2 of 5

ni Ponciano Pineda

(Sabayang Pagbigkas)

(Solo - babae)
edukasyon ay hulog ng langit

kastilaloy ang panturo, kastilaloy ang balangkas
kaya't ako'y nakastila
sa kaluluwa at sa balat

(Lalaki)

pinagtilad-tilad - ikaw, ako't siya
sa adhika paghatiin :  devide et impera
at yumabong

(Solo 1)
Ilukano'y Ilukano

(Solo 2)
Kapampanga'y Kapampangan

(Solo 3)
Bikulano'y Bikulano

(Solo 4)
ang Cebuano ay Cebuano

(High)
iyang Waray laging Waray
ang Ilongo ay Ilongo
mga Muslim laging Muslim

Ibanag ay Ibanag
Zambal ay laging Zambal
ang Aklan ay Aklan

(Babae - medium)
ang Tagalog ay Tagalog

kanya-kanya, tayu-tayo
masawi na ang sampangkat, malipol man ang
santribu

(Low, Medium, High)
huwag lamang tayo
huwag lamang ako
pagkat tayo'y ito
mga Pilipino

Learn this Filipino word:

nagbalík ang hangin