Dr. Faustus - Page 3 of 4
Isang Pagsasalin
Iskrip at Interpretasyon
ni Gloria Melendrez-Andrade
I: (Mbgl) Kalahating oras na lamang?
III: (bahaw ang tinig) Kalahating oras na lamang?
Demonyo: Hmm! Hm! Hm!
Ha! ha! Ha!
Faustus: (Tutop ang ulo, mangungunyapit, lilikot na muli ang mata, pawisang-pawisan, lilinga-linga.)
Faustus: (Mahina) Kala… kala… hating oras na lamang…
O! Diyos ko…
(garalgal at pahumal nang tinig)
Dinggin mo po ako!
Alang-alang man lang po kay Kristo’y
Pakinggan mo ako…
Koro: (pbl) Faustus…! Tiyak na sa impiyerno ang iyong punta///
Demonyo: (Lalapit kay Faustus, mapapapitlag si Faustus at sisigaw.)
Faustus: Ehhhhhhhi…!
Koro: Di pa oras…! Lumayo ka…!
(Pasigaw, akmang pipigilin.)
Demonyo: (Tatalikod, galit na at tatakpan ng balabal ang mukha.)
Demonyo: Ang kaluluwa mo’y akin…!
Ha! ha! Ha! Sa akin…!
(sa loob, tatawa nang malutong na tawa)
Koro: (N) (Titingnan si Faustus)
Na kung ilang libong taon
Walang hanggang paglililo//
Mapapabilang ka sa nilikhang
Ang kaluluwa’y nasa impiyerno///
Nagsisisi… nagdurusa…//
Hinahamak… dinudusta…// inaaba…!//
Oh…! Pythagoras… Pythagoras!
Intempsychosis… bay teng…!
Na ang kaluluwa’y lumilipad sa oras ng kamatayan…!
Demonyo: Kamatayan…! Kamatayan…!
(Tinig na bahaw, nanggagaling sa ilalim ng lupa.)
Koro: (echo) (N) Kamatayan? Kung iyan ay totoo///
Maging hayop man
Ang kaanyuan ng iyong kaluluwa///
Faustus: (N) (mangingiti)
Kung magkagayo’y/ anong ligaya sa akin…
Kung ako’y mamamatay sapagkat ang kaluluwa
ng hayop ay nagiging sangkap ng lupa…
Koro: (N) Subalit ikaw ay tao?
Kaiba ang iyong hangga…!
Sa impiyerno ang iyong punta…!
Demonyo: (Tatangu-tango, hahagikhik.)
Oo, sa impiyerno…!
Faustus: (Manlilisik ang mata at uurong)
Sa impiyerno ang aking punta?
(Isusuntok ang dalawang kamay sa dingding)
Sa impiyerno ang aking sadlak?
Sumpain ang mga magulang na nagpala sa akin…!
Koro: (Mlks) Hindi/ Faustus/ sumpain ang iyong sarili///
Sumpain si Lucifer na siyang nagkait sa iyo/ ng ligaya…!
Faustus: (Hahagulgol… pasubsob [paihit na iyak])
Hu! Hu! Hu! Hu!
Koro: Siya…// siya/ si Lucifer///
Koro: (Mlks) Ang tunay na hidhid
Na siyang nagdulot sa iyo ng libong pasakit…///
Faustus: Isinusumpa kita Lucifer…
(Sasagutin ng halakhak ng mga demonyo.)
Sumpain si Lucifer…! Isinusumpa kita!
(Halakhak ng pang-uuyam.)
Koro:
(May yuyuko na parang pendulum ng isang orasan, isang kalahok naman ang pagsasamahin ang dalawang kamay na magkadikit sa itaas na anyong ika-12:00 ng gabi, titiktak ang koro, ngunit ngayon ay mas matagal kaysa una.)