Dr. Faustus

Isang Pagsasalin

Iskrip at Interpretasyon

ni Gloria Melendrez-Andrade

Haba ng pagtatanghal: 10 minuto

Bilang ng kalahok: 37

  Koro – 30

  Dr. Faustus

  Demonyo – 6

Kasuotan itim na T-shirt at itim na pantaloon,

1/2 koro puting T-shirt at puting pantalon

Dr. Faustus – suot manggagamot

Demonyo – itim na pantalon at balabal na itim

Uri ng pagtatanghal madula

Paliwanag Pagbubukas ng tabing, nasa entablado na si Dr. Faustus, nakaupo sa may mesa – parang isang laboratoryo ang tanawin.

(Malamlam ang ilaw)

(Dahan-dahan, unti-unting papasok ang koro na medyo nakabaluktot ang katawan na animo’y nanunubok – sinasagisag ang guniguni o ang budhi ni Dr. Faustus.)

(Sasabayan ang pagpanhik ng koro na magulo at malungkot na tugtugin ng punebreng patay. Papanhik na rin ang demonyo, magtutumpukan sa pinakadulo ng tanghalan. Magsisiikot ang koro kay Dr. Faustus.)

(Malungkot si Dr. Faustus, mangungunyapit sa silya, mesa, at dingding ng awdia, mangangatal at maglilikot ang mata.)

Koro: Ah! Ahhhhh!

(Malagom na tinig, bahaw at buo)

(Nakangisi ang koro, ngising nanunuya at sinasalitan ng halakhak.)

Koro: Ahhhh// iisang oras na lamang ang nalalabi sa ‘yong buhay///

…! At ang sumpa’y tataglayin mo na ngayon/ hanggang kamatayan…!

Koro: (mlks) hanggang kamatayan!!!!

Hanggang kamatayan…

Kamatayan (2x)

(Malagom na tinig galing sa ilalim ng lupa.)

III: Hi Hi Hi Hi!

II: Ha! Ha! Ha!

III: Ha! Ha! Ha! ham!

(Tatayo si Dr. Faustus at higit na mahihintakutan at magagalit.)

Koro: (N) (dadaing)

Oh! Oh! Ohhhh…!

Huminto ka…!

Oh! Oh…!

Tumigil ka!

Hinto! Tigil!

(Lalapit sa ibabang tanghalan.)

Koro: (N) Oh! mundo sa iyong paggalaw

At ang oras mo’y itigil

Nang ang hatinggabi’y

Di na muna dumatal.

(Hahakbang paibaba ang kalahati ng koro pakaliwa ibabang tanghalan, ang iba’y pakanan ibabang tanghalan, nakabuka at nakalahad ang dalawang palad ng kamay.)

Koro: (Patawag) (angkop na kumpas)

Kalikasang matikas

Magbangon ka…!

Magbangon ka…!

Koro: (N) Gawin mo sana ang oras na ito’y maging karaniwan lamang///

Bigyan ng pagkakataong magsisi itong si Faustus…!

(Ituturo si Faustus.)

Faustus: Oo… Oo…

(Tatango ang ulo, ngunit hindi makatingin, mailap ang mata.)

Koro: (Ibababa ang kamay buhat sa pagkakaturo kay Faustus)

Nang ang kaluluwa niya’y hindi magumon///

Oh! lente… lente… kuryente

Tinig I: (Itataas ang ulo sa langit, titingin sa madla)

Tinig I: (Mlks) Mga bituin nagniningning//

Bawat oras nagbabadya

Ng pagdating ni Lucifer.///

(Mababang-mababa ang ulo.)

Pages

Learn this Filipino word:

bigáy-kaya