Dr. Faustus
Isang Pagsasalin
ni Gloria Melendrez-Andrade
(Sabayang Pagbigkas)
Ah... Ah... Ah... FAUSTUS...!
Iisang oras na lamang ang nalalabi sa ‘yong buhay,
At ang sumpa’y tataglayin mo na ngayon hanggang
kamatayan...!
Oh... Oh... Oh... Ohhhhhhhh...!
Huminto ka.. tumigil ka... hinto... tigillllll...!
Oh... mundo sa iyong paggalaw...!
At oras mo’y itigil nang ang hatinggabi’y
Di muna dumatal...!
Kalikasang matikas...! Magbangon ka...! Magbangon ka...!
Gawin mo sanang ang oras na ito’y
Maging karaniwan lamang,
Bigyan ng pagkakataong magsisi itong si Fautus;
Nang ang kaluluwa niya’y huwag magumon...
Oh... lente... lente currite...! nactis equi...!
Kalikasang matikas.
Mga bituing nagniningning,
Bawat oras ay nagbabadya;
Nang pagdating ni Lucifer,
At nang sa gayon, si Faustus ay magtika...
Magsisi nang lubos...
Oh... makapangyarihang Diyos...!
Sa iyo ako umaasa,
Sa maligtas yaring kaluluwa;
Sa imbing pagnanasa...
Ang dugo ni Kristong nakahasik,
Sa buong paligid...
Bahaginan sana ako kahit na isang patak,
At nang ang aking kaluluwa ay luminis,
Ah... wala ka nang pag-asa... Faustus...
Wala ka nang pag-asa... wala na...!
Tiyak na ang aking wakas ay malagim,
Sa impiyerno, oo, sa impiyerno...
Doon sa piling ng mga kampon ni Satanas...!
Huwag mo sanang wasakin,
Ang aking puso sa pagbanggit;
Ng pangalan ni Kristong Panginoon kong iniibig,
Subalit nararapat bang banggitin;
Ang kanyang pangalan? ng tulad ko?
Ng tulad ni Faustus?