Ang Pinagmulan ng Bohol - Page 3 of 4

(Alamat ng Boholanos)

Isang araw, nang hindi pa gaanong dumidilim, uminog ang ulap at tinangay ang pagong nang papaitaas.

Uww-ssss ! Brahos !

Mula sa ulap, kumuha siya ng kidlat. . .

Brissk ! Bruumm ! Swissss !

Nabuo ang araw at ang buwan na nagbigay ng liwanag at init sa babae.  Mula noon, naninirahan ang babae sa piling ng matandang lalaking nakita niya sa pulo.  At nanganak siya ng kambal.  Sa kanilang paglaki, ang isa’y naging mabuti at ang isa’y naging masama.

Ihahanda ko ang Bohol sa pagdating ng mga tao.

Ang mabuting anak ay gumawa ng mga kapatagan, mga kagubatan, mga ilog at maraming hayop.  Lumikha rin siya ng mga isdang walang kaliskis.  Ngunit ang ilan sa mga ito’y sinira ng masamang anak.  Tinakpan niya ng makakapal na kaliskis ang mga isda kaya’t mahirap kaliskisan ang mga ito.

Ano ang ginawa mo?

Walang halaga lahat ‘yan.

Walang halaga?

Bakit mo pinahihirapan ang iyong sarili sa paggawa rito? Hangal ka!

Inihahanda ko ang lugar na ito para sa pagdating ng mga tao.

Dito, dito’y wala tayong kinabukasan.  Samantalang sa ibang lugar ay hindi ka kailangang gumawa.  Isa kang baliw!

Kaya’t naglakbay sa kaunlaran ang masamang anak.  Dito siya namatay.  Samantalang ang mabuting anak ay nagpatuloy ng pagpapaunlad ng Bohol at inalis ang mga masasamang ispiritung dala ng kanyang kapatid.  Hinulma ang mabuting anak ang mga Boholano sa pamamagitan ng pagkuha ang dalawang lupa sa daigdig at hinugis ang mga ito ng katulad ng tao.  Dinuran niya ang mga ito.  Sila’y nabuhay.

Ngayong kayo’y naging lalaki at babae, iniiwan ko sa inyo ang mga magagandang katangiang ito: kasipagan, mabuting pakikitungo, katapatang kabutihang-loob, at mapagmahal sa kapayapaan.

Ikinasal ang dalawa at nagsama. Isang araw, kinausap sila ng mabuting anak.

Narito ang iba’t ibang uri ng buto.  Ibig kong itanim ninyo ang mga butong ito para kayo matulungan.  Gawin ninyong laging sariwa at magandang tirahan ang lugar na ito.

Learn this Filipino word:

ahas sa damó