Ang Pinagmulan ng Kodla ng mga Ifugao

(Alamat / Legend)

Noong unang panahon ay may mag-asawang naninirahan sa Lamut na nangngangalang Cabigat at Bugan.  Sila ay masasaya dahil marami silang nakukuhang pagkain at mga hayop.  Isang araw lumabas si Cabigat upang mamasyal na karaniwang isinasagawa sa mga kalapit na nayon.  Habang sila’y wala, inilabas ng kanyang asawang si Bugan ang kanyang panghabi upang humabi ng isang tapis.  Noong dakong hapon, isinampay niya ang natapos na tapis sa silong ng bahay.  Sila'y nagbayo ng palay para sa hapunan at agahan.

Sa ambato, naisipan ni Puwek, ang bathala ng bagyo, na mamasyal sa mga kabundukan, burol at lambak.  Sinimulan niya ang kanyang paglalakbay sa pamamagitan ng pagdaraan sa ilang nayon hanggang sa makarating siya sa Lamut.  Isa itong mapanirang paglalakbay dahil sa lahat ng naraanang mga punongkahoy at pananim ay walang awang nasisira.  Ang panghabi ni Bugan ay tinangay din at nasira, ata ang palay na kanyang binayo ay kumalat sa lupa.  Ang kaawa-awang si Bugan ay umiiyak na napaupo samantalang nagdaraan ang nagngangalit na hangin.  Pagkatapos ng bagyo, si Cabigat ay umuwi.

Subalit ano ang kanyang nakita? Nakita niyang ang lahat ng kanyang mga punong namumunga ay nabuwal at ang panghabi at palay ay nakakalat sa lupa.  Namamaga rin ang mga mata ni Bugan dahil sa pag-iyak.  Walang kibo si Cabigat.  Wala siyang masabi kahit isang salita dahil sa ang laman ng kanyang puso ay pulos pagkagalit.  Matapos na minsan pang pagmasdan ang naging masamang kapalaran, madamdaming nasabi ni Cabigat na Bakit, sino ang gumawa ng lahat ng ito?

Dahan-dahang itinaas ni Bugan ang kanyang ulo at sumagot, Dumating sa hapong ito si Puwek at walang awing ibinuwal ang lahat ng ating mga namumungang puno, sinira ang aking panghabi at ikinalat ang lusong.  Sumisigaw ako sa pagmamakaawa ngunit hindi niya ako pinakinggan.

Tulad ng isang ulol na leon, pumasok sa bahay si Cabigat at kinuha ang kanyang sibat at palakol.  Nagbalot siya ng ilang pandikit at nanaog.  At saka sinabi sa kanyang asawa, Bugan dumito ka sa bahay at alagaan ang naiwan nating aria-arian.  Susundan ko si Puwek, ang bathala ng bagyo.  Nais ipaghiganti ang lahat ng paninirang kanyang dinala sa ating masayang tahanan.  At pagkatapos ay di naghintay ng kasagutan, si Cabigat ay nagsimula sa kanyang mapanganib na paglalakbay.

Madali niyang nasundan ang kanyang kaaway dahil sinundan lamang niya ang mga daang may palatandaan ng paninira .  Mahaba ang paglalakbay, ngunit matapang niyang nilakbay ang mga kabundukan hanggang sa wakas ay marating niya ang Ambato.  Sa kanyang labis na pagkamangha, natagpuan niyang ang bahay ni Puwek ay isang engkantong lugar.  Ito ay malaki at panay bato.  Sa ilalim ay may isang tanel na siyang kinaroroonan ng kuwarto ni Puwek.  Walang nabubuhay na bagay sa paligid-ligid ng bato.  Pagpapakamatay sa sinuman ang lumapit sa engkantong lugar, ngunit di natakot si Cabigat.  Naroroon siya upang maghiganti.

Anong aking gagawin para siya ay mapatay?  tanong niya sa kanyang sarili.  A, siyanga pala, sasarhan ko ang kanyang pintuan at hahayaan siyang mamatay sa gutom sa sarili niyang kuwarto.

Sinimulang isagawa ni Cabigat ang kanyang balak.  Kinuha niya ang kanyang palakol at pinutol ang lahat ng malalaking puno sa pintuan.  Ngayon, Puwek, hipan mong mabuti at tingnan ko kung gaano ka kalakas.  sigaw ni Cabigat.

Learn this Filipino word:

ikapitóng langit