Ang Puso ng mga Dalaga

(Alamat mula sa Bicol)

Noong unang panahong wala pa ang mundo at isa lamang ang planeta – ang buwan.  Sa planetang ito dalawang lahi ng tao ang nakatira, ang taong puti at ang taong itim.  Ang mga puti ang Panginoon at iyong mga itim ang utusan.  Ang mga puti ay magaganda: maputi ang kulay ng balat at ang buhok ay kulay ginto. Nakatira sila sa lunsod.  Ang mga utusan ay sa kuweba ng kagubatan nakatira.  Sila’y maliliit at maiitim na tao.  Sila ang tagapag-alaga ng maganda at malaking hardin.  May iba-ibang mababangong bulaklak at masasarap na bungangkahoy sa halamanan.

Ang mga taga-buwan ay may kaugalian na bigyan ng salu-salo ang mga dalaga.  Taon-taon, pagdating ng mga dalaga sa edad na labingwalong taon, tinatawag at iniipon sila roon sa hardin.  Ito’y kung kabilugan ng buwan sa Mayo.  Sila ay tumutugtog, kumakanta, sumasayaw hanggang sa umumaga.  Ang buong bayan ay masaya.  Isang araw na hindi inaasahan, lumindol nang malakas sa buwan.  Nabiyak ang planeta at ang hardin ay nawala.  Ang mga utusan ay nakasama sa kalahating nabiyak.  Sa tagal ng panahon, nalaman ng mga matatalinong tao sa buwan na ang iyong kabiyak ng planeta ay lulutang-lutang sa ibang lugar.  Tinawag nila ito ng lupa – na ang ibig sabihin, Kabiyak ng buwan.  Hindi nagtagal, naisip ng mga taga-buwan na dalawin  ang lupa.  Nakita nila na iyong magandang hardin ay naroon sa lupa at mabuti ang kalagayan.  Madali itong puntahan kung iibigin.  Kaya sila’y nagbalak na dumalaw sa lupa sa pagbibilog ng buwan.

Pagdating ng Mayo nagsipunta ang mga dalaga sa lupa.  Itinaon nila sa pista ng Mayo.  Pagkatapos na magawa ang dating kaugalian bumalik sila sa buwan na walang anumang masamang nangyari.  Mula noon sila ay dumadalaw sa lupa taun-taon pagbibilog ng buwan sa gabi.  Hindi nila alam na may mga buhay na tao sa lupa, na kalahati ng kanilang buwan.

Nakikita ng mga tao sa gubat ang pagdalaw ng mga taga-buwan.  Malaking pagtataka para sa kanila iyong mga kasayahan ng taga-buwan.  Sabi ng isang matandang taga-gubat:  Taun-taon pagbilog ng buwan kung Mayo nagsisipunta rito sa lupa ang mga engkanto.  Naisipan ng mga binatang taga-lupa na abangan ang pagbabalik na muli ng mga engkanto.

Dumating ang Mayo.  Handa ang mga taga-lupa sa pagbibilog ng buwan, hapon pa lamang, nagsipunta sila sa gubat at nakita nila sa malawak na kapatagan ang pagbasa ng mga taga-buwan.

Ang mga taga-buwan ay handa rin sa pagpunta sa lupa.  Nang sumikat ang buwan, ito’y parang gintong bola.  Nang malapit nang bumaba sa lupa ang mga taga-buwan, umugong ang hangin.  Parang sila na iyan, sabi ng isang nagbabantay.  Mayamaya, narinig ang tugtog ng musika at mga tining ng kumakanta.  Ayan na, sabi nila.  Pagdating nila sa langit nakita nilang lumilipad sa harap ng hardin ang mga dalaga na kasimputi ng gatas ang mga damit at nakalugay ang buhok na parang gintong sinulid.

Tuloy ang tugtog ng musika habang dahan-dahang naglilibot pababa ang mga dalaga. Isa-isa silang bumaba sa lupa at pinaligiran ang isang puno na nasa gitna ng hardin.  Nang nasa lupa na ang lahat ng dalaga, sila ay sumayaw at kumanta sa paligid ng punong kahoy.  Ang musikang galing sa langit ay hindi humihinto.

Learn this Filipino word:

kabatakán