Unang Bahagi - Page 4 of 4

(Ang Buod ng “Ibong Adarna”)

Gayon na lamang ang tuwa ni Don Juan nang muling makita ang kanyang mga kapatid.  Ipinaliwanag ni Don Juan ang buong pangyayari sa dalawang kapatid at noon din ay pinagharian ang kanilang mga puso ng matinding inggit.  Nang magbukang liwayway, tinungo nila Don Juan ang kuweba ng ermitanyo upang magpasalamat at magpaalam.  Sila ay pinakain nito at ginamot din ang mga sugat ni Don Juan.  Pagkapahinga, ay pinauwi na sila ng ermitanyo at pinayuhang walang manloloko o magtataksil isa man sa kanila.

Hindi sumunod sa ermitanyo ang dalawang prinsipe na si Don Pedro at si Don Diego.  Si Don Juan ay walang awang pinagtulungang bugbugin ng magkapatid na pinaghaharian ng inggit at pag-iimbot.

Learn this Filipino word:

kakaníng-itik