Kabanata 39: - Page 3 of 3

Katapusang Kabanata

(Ang Buod ng “El Filibusterismo”)

Nang mapunang hindi umiimik ang maysakit ay pabulong na nagwika si Padre Florentino;  Nasaan ang kabataang naglalaan ng magagandang sandali, ng kanilang mga pangarap at kasiglahan alang-alang sa ikabubuti ng kanilang bayan?  Saan naroon ang handang magpakamatay upang hugasan ng dugo ang napakaraming pagkakasala?  Upang karapatdapat ang pagpapakasakit ito’y kailangang malinis at busilak.  Nasaan ang kabataang may lakas na tumanan na sa aming mga ugat, ng kalinisan ng diwa na narumihan na sa amin, ng apoy ng sigla na patay na sa aming puso?  O kabataan, kayo’y aming hinihintay!

Nangilid ang luha sa mga mata ng Pari.  Binitawan ang kamay ni Simoun.  Lumapit sa durungawan.  May kumatok na utusang nagtanong kung magsisindi na ng ilawan.  Sa tulong ng isang lampara ay tinanglawan si Simoun.  Hinipo ito; nabatid na ito ay patay na.  Lumuhod at nanalangin si Padre Florentino.

Tinawag ang mga utusan, pinaluhod at pinagdasal.  Umalis sa silid si Padre Florentino.   Kinuha ang takbang bakal ni Simoun.  Dinala ito sa talampas na laging inuupuan ni Isagani upang sisirin ng tingin ang kalaliman ng dagat.  Doon ay inihagis ng pari ang mga takba ng brilyante at alahas ni Simoun.  Nilulon ng dagat ang kayamanang yaon.

Learn this Filipino word:

birò ng tadhanà