El Filibusterismo

ni Dr. José Rizal

(Book notes / Summary in Tagalog)

Ang nobelang El Filibusterismo ay isinulat ng ating magiting na bayaning si Dr. José Rizal na buong pusong inalay sa tatlong paring martir, na lalong kilala sa bansag na GOMBURZA - Mariano Gómez, José Apolonio Burgos, and Jacinto Zamora.

Tulad ng Noli Me Tangere, ang may-akda ay dumanas ng hirap habang isinusulat ito.  Sinimulan niyang isulat ito sa London, Inglatera noong 1890 at ang malaking bahagi nito ay naisulat niya sa Bruselas, Belgica.  Natapos ang kanyang akda noong Marso 29, 1891.  Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong Setyembre 22, 1891.        

Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ang bayan.

Sa kasalukuyan, ang El Filibusterismo ay isa sa mahahalagang akda ng Panitikang Filipino na pinag-aaralan ngayon sa mataas na paaralan (sa ikaapat na taon), alinsunod sa kurikulum na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon.

Learn this Filipino word:

lakí sa lansangan