Kabanata 26: - Page 2 of 2

Mga Paskil

(Ang Buod ng “El Filibusterismo”)

Walang halaga ang kung sino ang sumulat.  Tungkulin nilang (mga kura) alamin niyon.  Nguni’t di tayo dapat patangay sa kaguluhang ito kung saan naroon ang panganib ay doon tayo dumako dahil naroon ang karangalan.  Kung nasasabi sa paskil ay kaayon ng ating kalooban, sino man ang sumulat noon ay dapat nating pasalamatan.  Kung hindi naman ay sapat nang tutulan natin at tanggihan, ani Isagani.

Tumalikod si Basilio. Di siya sang-ayon sa sinabi ng kaibigan.  Tutungo siya kay Makaraig upang mangutang.  Di niya alintana ang mahiwagang senyas ng mga kalapit bahay ni Makaraig.

Napadubo siya at napaharap sa dalawang tanod na beterana.  Anya: Naparito ako upang makipagkita ako sa kaibigan kong si Makaraig.  Nagkatinginan ang dalawang tanod.

Dumating si Makaraig at ang kabo at dalawang kawal.  Nagtaka si Makaraig kay Basilio.  Anito: Marangal na pagkatao!  Sa panahon ng kapayapaan ay umiwas kayo sa amin...

Inusig ng kabo si Basilio.  Dinakip rin ito nang pakilala kung sino, Pati ba ako? tanong ni Basilio.  Nagatawa si Makaraig.  Huwag kayong mag-alala.  Mabuti’t ng maibalita ko sa inyo ang ukol sa hapunan kagabi samantalang nasa sasakyan tayo.

Sa sasakyan ay ipinagtapat ni Basilio ang kanyang pagsasadya kay Makaraig.  Sinabi ni Makaraig na maaasahan siya ni Basilio at sa magtatapos raw ng pagdodoktor ay aanyayahan pa nila ang mga kawal na dumakip sa kanila.

Learn this Filipino word:

parang waláng butó