Kabanata 26:

Mga Paskil

(Ang Buod ng “El Filibusterismo”)

Maagang nagbangon si Basilio upang magtungo sa ospital. Nais niyang pakialaman ang kanyang linsensiyatura sa Unibersidad pagkatapos madalaw ang may sakit.  Uutang siya kay Makaraig ng perang gugugulin.  Ang naimpok niya ay naipanubos kay Huli.

Sa tapat ng San Juan de Letran ay may nagtanong sa kanya ukol sa pagbabangon.  Iniugnay niya sa isip ang pagkakatungo sa kanya ni Simoun.  Marami raw nadadamay na mga estudyante ayon sa nagbabalita.  Nagpatuloy sa paglalakad si Basilio.

Nakasalubong niya ang isang katedratiko na malapit ang loob sa kanya.  Itinanong kung nasa piging ng mga estudyante si Basilio.  Mabuti raw at wala.  Nang malamang kasapi si Basilio sa kapisanan ay pinayuhan nito ang binata na umuwi na’t sirain niya ang lahat ng kasulatang magdadawit sa kanya.  Nabanggit ni Basilio si Simoun.  Wala raw kinalaman dahil nahihiga ang mag-aalahas dahil sa sinugatan ng kung sino.  Dito’y may ibang mga kamay na nakapangingilabot, anang katedratiko.

Itinanong ni Basilio kung may kasangkot na tulisan.  Wala raw.  Panay raw mga estudyante.  Nagkatagpo raw sa unibersidad ng mga paskil o mga paskin (posters) na mapanghimagsik.

May nasalubong silang isa pang katedratiko na kakilala ni Basilio.  Ang una: Nangangamoy na si Kapitan Tiyago.  Nilalapitan na siya ng mga uwak at buwitre.

Nagpatuloy si Basilio sa paglalakad.  Mga karagdagang balita.  Marami raw estudyante ang papupugutan ng ulo, ipabibilanggo, ibabagsak sa pag-aaral.

Nagunita ni Basilio ang sinabi ni Simoun.  Sa oras na kayo’y itiwalag nila di kayo makatatapos sa inyong karera.  Pinaghinalaan ni Basilio na may kinalaman si Simoun sa mga paskil.

Nakita niya si Sandoval.  Tinawag ito.  Naging bingi ito sa tawag niya.

Tuwang-tuwa si Tadeo.  Wala na raw klase.  Ibibilanggo raw lahat ang kasama sa kapisanan ng mga estudyante.  Tuwang-tuwa pa rin ito dahil walang klase.

Si Pelaez naman ay parang baliw na paulit-ulit ang pagsasabi: Wala-wala akong kinalaman, wala akong kinalaman; ikaw ang saksi ko Basilio, na sinabi kong isang quijoterias ang lahat.

Mabilis tumalilis si Juanito nang makita ang isang tanod na palapit sa kanila.

Natanaw ni Basilio si Isagani.  Namumutla ang huli ngunit pinagpupuyusan ng kalooban.

Nakapagtataka, mga ginoo, na walang kakuwenta-kuwentang mga bagay ay nagkakagulo tayo na parang mga mayang paking na itinaboy ng tau-tauhang panakot.  Ito lang ba ang pangyayari na ang kabataan ay mabibilanggo dahil sa kalayaan?  Nasaan ang mga binitay, ang mga pinagbabaril?  Bakit tayo magsisiurong ngayon?

May nagtanong: Sino ba ang ungas na sumulat na iyon?

Learn this Filipino word:

sumunód sa bakás ng iná