Kabanata 19: - Page 2 of 2

Ang Mitsa

(Ang Buod ng “El Filibusterismo”)

Nang mapag-isa ang mag-aalahas ay nagtalo ang loob ni Simoun.  Sinurot siya ng budhi dahil bahagi siya ng kabulukang nais niyang puksain.  Waring nakita niya ang anyo ng kanyang ama at ng kay Elias na tumututol sa kanyang ginawa.  Ngunit umiling siya. Kung ako`y tumulad sa inyo ay patay na ako, aniya.  Gumawa ako ng masama upang mabigyang daan ang mabuti.  Nilalagnat noon si Simoun.

Kinabukasan ay buong bait na nakikinig si Placido sa nangangaral na ina.  Hindi tumututol sa mungkahi nito.  Ipinayo na lamang sa ina na bumalik na sa lalawigan kaagad dahil kung malaman daw ng prokurador na naroon si Kabesang Andang ay hihingian pa ito ng regalo at pamisa.

Learn this Filipino word:

buháy-manók