Binukot
ni Joel Bautista Labos
(Ang Interpretasyon)
Bilang ng koro: 30
Haba ng pagtatanghal: 20 minutos
Mga tauhan:
Binukot
Amay
Itoy
Mga manliligaw
Uri ng pagtatanghal: Madula
Interpretasyon:
Madilim ang entablado. Unti-unting bubukas ang kulay-luntiang ilaw. Maririnig sa himpapawid ang huni ng mga ibon, lagaslas ng tubig sa batis at mabining ihip ng hangin. Papasok ang koro, kapit-kamay, mabilis na lalakad sa gitnang itaas ng entablado sa saliw ng etnikong tunog. Isasaayos ng koro ang kanilang sarili sa pomasyong ito:
Ang panlabas na bilog ay nakaupo, ang panggitna ay nakaluhod at nakatayo ang pinakaloob. Nakatuon ang ulo ng koro sa sentro ng bilog. Freeze pagdating sa tamang posisyon.
Voice over: Binukot...///
Binukot...///
Binukot...///
(Isang malamyos na tinig ng isang babae ang maririnig [voice over]. Waring tinatawag ang Binukot. Sa katapusan ng pagtawag, tutunog ang tultugan, susundan ng malakas na tunog ng gong at lalabas mula sa bilog ang isang napakagandang babae. Itataas siya ng ilang kalalakihang miyembro ng koro ng bilog.)
Voice over: Sino ka ba talaga?///
(Malakas na tinig ng voice over.)
Koro: (Pbgl) Sino ka ba talaga?///
(N) Sino ka ba talaga?///
(Mlks) Sino ka ba talaga?///
(Ibababa ang Binukot. Maghahati sa dalawa ang koro:
Tila nagsusuri ang kanilang mga titig. Sa panghuling linya, nakaturo ang mga kamay ng koro sa Binukot.)
Koro: Bakit naiiba ka?///
(Unti-unting ibababa ang mga kamay.)
Koro: Wala kang katulad/ sa mga anak ni Eba//
Sa sangkatauhan/ taglay mo’y talinhaga.///
(Sa Binukot pa rin ang tuon ng paningin. Sa salitang "sangkatauhan" biglang titingin sa manonood at itataas ang ulo sa salitang "talinhaga.")
Koro: Ahhh...
(Tutungo sa pormasyong:
Koro: Umusbong ka sa puso ng kabundukang Panay//
Doon ka hinubog/ binigyan ng buhay//
(Papasok ang Amay at Iloy, lalapit sa kanila ang Binukot. Hahagurin ng ama ang buhok ng dalaga at susuotan naman siya ng kuwintas ng ina.)
Koro: Kulturang niyakap mo/ nagpatingkad pa ng kulay///
Katauhan mong pinasahi/ mahiwagang tunay!//
(Tatakbu-takbo at sasayaw-sayaw sa isang etnikong tugtugin.)
Koro: Ikaw ay sadyang pinili sa mga bunga ng pagmamahalan//
Tanging mutyang mapalad, maginhawang bukas inilaan//
(Sasama sa pagsasayaw ang mga magulang. Sa salitang "bukas," lingon paitaas sa kanan ang koro.)
Koro: Pinalangga kang anak/ hiyas ng tahanan//
Kaya’t di pinagagawa sa bahay/ buong giliw na ginatipigan///
(Malumanay ang titig at tinig.)
(Tutunog ang tultugan. Pupunta sa panibagong pormasyon ang koro: