Ang Watawat

(Sabayang Pagbigkas)

Kaputol na kayo ng tagdan,
May tatlong bituin, sa gitna ay araw
Kaputol na kayo na may tatlong kulay
Iyan ang sagisag ng bayan kong mahal.

Tatlong kulay nito'y pula, puti't bughaw
Sagisag ng giting, ng dangal, ng tapang;
Ang bitui'y Luzon, Bisaya't Mindanao
Ang araw ay Kalayaan sa bayan ay tanglaw.

Banal na layuni't malinis na budhi
Ang sinasagisag ng tatsulok na puti;
Pantay-pantay lahat ang magkakalipi
At iisang diwa, isang bansa, isang lahi.

Kung sa isang tagdan, bandila'y mamasid
Kasabay ng himig ng Pambansang Awit
Dibdib ay tutupdin, baya'y isaisip
Bayang Pilipinas! Bayang iniibig!

Learn this Filipino word:

tísuring bató