Ang Bugtong, Bow!

ni Joel Bautista Labos

(Ang Interpretasyon)

(Papasok sa entablado ang koro. Sila ay nakadamit pambata. Masaya silang maglalaro. May lulukso-lukso, may mabilis na tatakbo, may magkakahawak-kaway. Mula sa mga naglalarong miyembro ng koro, lalabas ang isang lalaking malakas na sisigaw ng "Bugtungan." Sasagutin siya ng koro habang dali-daling pumupunta sa pormasyong tatlong tuwid na linya. Ang unang linya ay nakaupo. Nakaluhod ang ikalawa at nakatayo ang ikatlong linya.)

Lahat: (Pa-lks) Bugtong.../ bugtungan,//

isang laro ng isipan//

Kinahiligan noon/ ginawang libangan//

Sa mga ninuno'y minana,/ kahit ngayo'y umiiral//

Nagpapasaya,/ nagpapasigla sa panahong kasalukuyan.///

(Masaya ang mukha. Nagsasalaysay sa manonood. Maaaring lapatan ng angkop na kilos ang mga linya.)

Grupo I:Ano?

(Titingin sa ikalawang grupo sa kanan.)

Grupo II: Paano?

(Titingin sa unang grupo sa kaliwa.)

Lahat: (Mlks) Bakit at Sino!

(Tingin sa manonood.)

Mga tanong na mahirap,/ sa isip gumugulo//

(Hahawakan ang ulo at paiikutin ito na parang nababaliw.)

Ngunit tayong mga Pinoy.../ talagang bihasa rito//

(Anyong nagmamalaki.)

Tsikin pid lang.../ ganggakalingkingan lang ‘to.//

(Ipakikita ang kalingkingan at kunwari'y ikukuwit ang daliri.)

Mga babae: (Pa-echo) Bugtong!//Bugtong!//

Lahat: Bugtong!// Bugtong!//

(Mag-iiba ng pormasyon ang koro. Gagawa sila ng tatlong pangkat at ang bawat miyembro ng koro ay may iba't-ibang posisyon.)

Isang tanong ay ibabato./

Saluhin at sagutin/ nang mahasa ang talino.//

(Kikilos na parang may ibabatong bagay sa mga manonood.)

O heto, na,/ sa laro'y handa na ba kayo?//

Umpisahan na't ang lahat/ nasasabik nang totoo.//

(Papalakpak sabay padyak ang mga miyembro ng koro.)

Solo I: Ano?

(Pupunta sa harap at tatanungin ang mga miyembro ng koro.)

Lahat: (Mlks) Ano?

Solo I: Ano itong bagay maganda at mainam//

Masarap yakapin,/ pisil-pisilin at hawakan//

Ang gabi'y perhwisyo/ kung wala sa higaan//

Kaya nga't sa magdamag/

Siya'y tinatanuran!//

Esep... esep...

(Lalapitan ng angkop na kilos habang binibigkas ang mga linya.)

Lahat: Esep... esep...

Wari'y mag-iisip.

Ahhh...// unan.../ unan ang kasagutan?///

Solo I: Tama!

Solo II: Ngayon sagutin itong bugtong ko sa inyo.//

Tubig-// pamatid-uhaw nagmumula sa bato//

At ang batong ito,/ sa tubig din patungo.//

Naku,/ nakalilito,/ utak, paandarin ninyo.//

(Sariling interpretasyon ng linya ang ipakikita.)

Lahat: Ang sagot diyan ay... mmmmm

Asin...// Asin na maalat/

Sa tinola ni Nanay swak na swak!///

Solo III: Hindi multo.../ hindi engkantada//

Sa gabi'y binibisita ka...//

(Mananakot. Manlalaki ang mga mata.)

Lahat: Ngeee!

(takot)

Learn this Filipino word:

mabilís ang kamáy