Si Pluto at si Proserpina - Page 2 of 2
Naging matigas ang puso ni Demeter dahil sa kalungkutan. Sinabi niya sa mga tao na hangga’t hindi niya nakikita ang kanyang anak ay hindi niya maaasikaso ang mga gawain niya sa lupa.
Naghanap siya nang naghanap. Nang wala na siyang pag-asa ay lumapit siya kay Seus. Hiniling niya sa diyos ng mga diyos na ibalik sa kanya si Proserpina.
Kung siya’y ibabalik sa akin ay muling magkakaroon ng masaganang ani sa lupa,
ang sabi ni Demeter kay Seus.
Naawa sa kanya si Seus. Ipinangako sa kanyang ibabalik sa piling niya si Proserpina kung ang dalaga’y hindi kumain ng anuman samantalang nasa kaharian ni Pluto.
Natuwa si Demeter. Nagtungo siya sa ilalim ng lupa. Natagpuan siya si Proserpina sa palasyo ni Pluto. Nagyakap ang mag-ina. Ibig na ibig na ng dalagang masilayan ang ibabaw ng lupa na sinisikatan ng araw. Ngunit siya pala’y kumain nang araw na ayaon, ng anim na buto ng Granada. Dahil sa pagkakain niyang yaon ay minarapat ni Plutong mamalagi sa kanyang piling si Proserpina sa loob ng anim na buwan, at sa piling naman ni Demeter sa nalalabing anim na buwan bawat taon.
Kung si Proserpina’y nasa piling ng kanyang ina ay tagsibol at tag-araw sa ibabaw ng lupa. Kung siya’y nasa kaharian ni Pluto ay taglagas at taglamig sa ibabaw ng lupa.
Pluto = the Greek god of the lower world. He ruled there with his wife Proserpina. Proserpina was the daughter of Demeter (Ceres), goddess of agriculture and faithfulness. One day Demeter left Porserpina gathering flower in a meadow. Pluto came and carried her away. While Demeter hunted for her daughter, a blight fell on the earth and nothing grew. To save the human race from starvation, Zeus helped her recover Proserpina. But Proserpina had already eaten six seeds of pomegranate in the lower world, so she could not be wholly restored to her mother. It was arranged that thereafter she should spend half of the year with her mother on earth and the other half with Pluto in the lower world.