Kaligirang Pangkasaysayan ng Mitolohiya
Sinasaliksik ng mga unang tao ang kanilang imahinasyon upang makakuha ng paliwanag sa mga pangyayari, kalikasan at kaugalian ng tao na nasa paligid niya. Bilang kasagutan sa mga katanungang iyon, sila’y lumilikha ng diyos at diyosa na kumakatawan sa talino, ganda at pag-ibig. Ang mga diyos at diyosa ay nagiging tao ngunit nagtataglay ng kapangyarihang mala-bathala.
Ang mitolohiya ay isang uri ng malikhaing kuwento na nauukol sa mga diyos at diyosa. Maraming mga salita na buhat sa mitolohiya ang kasama sa ating pang-araw-araw na pagsasalita, lalung-lalo na sa propaganda. Ang goma ay na-volcanize, ang tao ay mapagsuring tulad ni Pandora, ang mga rocket ay pinapangalanang Jupiter, Titan, at Apollo. Lalong mauunawaan ang arkitektura, pintura at musika kung nababatid natin ang mitolohiyang Griyego at Romano.
Ang mga bata na nagsisimulang magtanong kung saan nanggaling ang daigdig at ang buhay ay magkakahilig din sa kuwento ng mitolohiya. Ang mga batang handa sa ganitong uri ng kuwento ay magkakaroon ng kabatiran sa ibang paniniwala ng ibang tao.
Si Prometheus ay siyang nagbigay ng apoy sa mga tao. Si Pandora dahil sa pagiging mausisa ay nagpakalat ng kasamaan sa daigdig. Si Apollo na sumakay sa tibuling araw at naglakbay sa kalangitan. Si Proserpina ay kailangang tumigil ng anim na buwan sa ilalim ng daigdig. At si Haring Midas na nagnais maging ginto ang bawat hawakan. Ang mga tauhang nabanggit ay kailangang makilala ng mga bata sa mababang paaralan. Kailangang mabatid nila ang kaugnayan ng mga diyos at diyosa sa mitolohiyang Griyego at Romano.
Mabubuting Ispiritu sa Mitolohiyang Pilipino
- Patianak
- Taga-tanod sa lupa
- Mamanjig
- Nangingiliti ng mga bata
- Limbang
- Taga-tanod sa kayamanang nasa ilalim ng lupa
Masasamang Ispiritu sa Mitolohiyang Pilipino
- Tiktik
- Ibong kasama ng aswang
- Tanggal
- Matandang babaing sumisipsip ng dugo ng sanggol, sa kanyang paglalakbay iniiwan niya ang kalahati ng kanyang katawan.
- Tama-tama
- Maliliit na tao na kumukurot sa sanggol
- Kapre
- Maitim na higante at may tabako
- Salot
- Nagsasabog ng sakit
Diyosa sa Mitolohiyang Pilipino
- Bathala o abba
- Pangunahing diyos
- Idionale
- Diyos ng mabuting gawain
- Anion tabo
- Diyosa ng hangin at ulan
- Apolaki
- Diyos ng digmaan
- Hanan
- Diyos ng mabuting pag-aani
- Mapolan masalanta
- Patron ng mangingibig
- Libongan
- Nagtatanod sa pagsilang sa isang buhay
- Libugan
- Ang nangangasiwa sa pag-aasawa
- Limoan
- Ang nangangasiwa kung paano mamamatay
- Tala
- Diyosa ng pang-umagang bituin
Diyos at diyosa sa Mitolohiyang Griyego at Romano
- Zeus (Jupiter)
- Pinakadakila sa lahat, hari ng langit
- Hera (Juno)
- Asawa ni Zeus, diyosa ng kababaihan at pangkasalan
- Athena (Minerva)
- Diyosa ng karunungan
- Aphrodite (Venus)
- Diyosa ng pag-ibig at kagandahan
- Eros (Cupid)
- Diyos ng pag-ibig
- Artemis (Diana)
- Diyosa ng buwan at dakilang mangangaso
- Apollo (Phoebus)
- Diyos ng araw
- Poseidon (Neptune)
- Diyos ng karagatan
- Hades (Pluto)
- Diyos ng kadiliman
- Dionysius (Bacchus)
- Diyos ng alak at pag-aani
- Hermes (Mercury)
- Mensahero ng mga diyos at diyosa
- Hepaestus (Vulcan)
- Diyos ng apoy
- Ares (Mars)
- Diyos ng digmaan
- Persephone (Proserfina)
- Diyos ng tagsibol