Ang Alamat ng Bundok Pinatubo

(Alamat ng Luzon)

Masagana ang Kahariang Masinlok.  Magandang maganda noon ang umaga.  Maningning ang sikat ng araw.  Sariwa ang hanging amihan.  Lunti ang mga halaman sa paligid.  Masigla ang awit ng mga ibon.  Bughaw ang kabundukan.  Subalit ang kagandahan ng umaga ay hindi nakasiya sa Datu.  Wala siyang madamang kaligayahan sa lahat ng namamalas.

Malungkot na nakapanungaw ang Datu.  Nakatuon ang ma paningin sa sa bughaw na kabundukan.  Nakakunot ang noo at tikom ang mga labi.  Nagbuntong-hininga nang malalim.

Malungkot na naman kayo, mahal na Datu, narinig niya sa may likuran.  Bumaling ang Datu.  Nagtanong ang mga mata ni Tandang Limay.  Isa ito sa bumubuo sa Konseho ng Matanda.

Ikaw pala.  Nalulungkot nga ako, Tandang Limay.  Naalaala ko ang aking kabataan, at nagbuntung-hininga muli.  Humawak siya sa palababahan ng bintana.

Nakita mo ba ang bundok na iyon? nagtaas ng paningin ang Datu.

Oo, aking Datu, ngunit ano ang kinalaman niyon sa inyong kalungkutan? tanong ni Tandang Limay.  Napag-usapan na ng Matatanda ang napapansin nilang pagkamalungkutin ng Datu.  Siya nga ang naatasang magsiyasat tungkol dito.

Doon ako sa mga bundok na iyon laging nangangaso.  Natatandaan mo marahil na malimit akong mag-uwi ng baboy-ramo at usa sa aking ama at mahal ko sa buhay.

Opo, Kayo mahal na Datu ang kinikilalang pinakamagaling sa pana noon.  Napabantog sa ibang kaharian ang inyong katangian sa pangangaso, sang-ayon ni Tandang Limay.

Iyan ang suliranin ko ngayon.  Para bang gustong-gusto kong magawa uli ang mga bagay na iyon, ngunit napakatanda ko na upang pagbalikan ang kabundukang iyon.  Napakalayo na ang mga pook na iyon para sa mahina kong katawan, at muling nagbuntung-hininga ang Datu.

Hindi na nga ninyo makakayanan ang maglakbay nang malayo.  Ngunit maaari naman kayong magkaroon ng ibang libangan, pasimula ni Tandang Limay.

Bahagi na ng aking buhay ang pangangaso.  Hindi na rin ako makadarama ng kasiyahan kung iba ang aking magiging aliwan, malungkot na umiling ang Datu.

Naging usap-usapan sa buong kaharian ang suliranin ng Datu.  Nabalita rin sa ilang bayan ang pagkamalungkutin ng pinuno ng Masinlok.

Makalipas ang ilang araw, dumating sa palasyo ang isang salamangkero.  Matanda na siya at mabalasik ang mukha.  Malaki ang paghahangad niya sa kamay ni Prinsesa Alindaya, prinsesa ng Masinlok ngunit malaki rin ang pag-ayaw nito sa kanya.

Learn this Filipino word:

lamóg ang katawán