Ang Dalawang Magtotroso at ang Engkantada

(Kuwentong-bayan / Folktale)

Isang hapon may isang magtotroso na nagtungo sa kagubatan upang pumutol ng isang puno upang gawing panggatong.  Pinili niya ang isang mataas at tuwid na puno sa tabi ng isang lawa.  Sinimulan niyang putulin ito ng kanyang palakol.  Ang ingay na nilikha ng palakol ay umalingawngaw sa buong kagubatan.

Mabilis ang pagkilos ng lalaki sa dahilang ayaw niyang abutan siya ng dilim.  Nang di sinasadya, ang talim ng palakol na kanyang tangan ay tumilapon sa lawa.

Agad niyang sinisid ang lawa ngunit sa kasawiang palad nabigo siyang makita ang kanyang hinahanap.  Naupo siya sa paanan ng puno at nag-isip kung ano ang susunod niyang gagawin.  Nang biglang lumitaw sa kanyang harapan ang isang engkantada, Ano ang problema mo?

Ang talim ng aking palakol ay nahulog sa tubig, tugon niya.  Hindi ko alam kung ito’y makikita ko pang muli.

TIngnan natin kung ano ang aking maitutulong sa iyo, wika ng engkantada sabay talon sa lawa.

Paglitaw ng diwata ay may hawak siyang talim ng palakol na lantay na ginto.  Ito ba ang hinahanap mo? tanong ng engkantada.

Pinagmasdang mabuti ng magtotroso ang palakol.  Hindi, hindi sa akin iyan, ang tanggi ng magtotroso.

Inilapag ng diwata ang gintong talim sa may pampang at sumisid na muli ito sa lawa.

Di nagtagal ay muli siyang lumitaw na hawak ang pilak na talim ng palakol.  Ito ba ang talim ng iyong palakol?  Hindi, hindi sa akin iyan.

Inilapag ng engkantada ang pilak na talim sa tabi ng gintong talim at pagdaka’y muli itong sumisid sa lawa.

Nang muling lumitaw ang diwata tangan niya ang isang bakal na talim, Ito ba ang iyong hinahanap? tanong niya.

Oo, iyan nga ang aking nawawalang talim, masayang sagot ng lalaki.  Maraming salamat sa iyong pagtulong sa akin.

Ibinigay ng engkantada ang kanyang talim pati na ang ginto at pilak na mga talim at ito’y nagsabing: Ako’y humahanga sa iyong katapatan.  Kaya’t bilang gantimpala, ipinagkakaloob ko sa iyo itong ginto at pilak na mga talim.

Nagpasalamat ang lalaki at lumakad na siyang pauwi sa taglay ang kagalakan.

May kapitbahay ang lalaki na isa ring magtotroso na nakakita sa mga talim na ginto at pilak, at ito’y nag-usisa.  Saan mo nakuha ang mga talim na ‘yan?

Learn this Filipino word:

nagtatampisáw sa putik