Si Amomongo at si Iput-Iput
“Ang Gorilya at ang Alitaptap”
(Pabula ng Visayas)
Isang gabi, naglalakad si Iput-Iput, (ang alitaptap) patungo sa bahay ng kanyang kaibigan. Nang mapadaan siya sa tapat ng bahay ni Amomongo (ang gorilya), tinanong siya nito: Hoy, Iput-Iput, bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?
Sumagot si Iput-Iput: Dahil natatakot ako sa mga lamok.
Ah, duwag ka pala,
ang pang-uuyam ng gorilya.
Hindi ako duwag!
ang nagagalit na sagot ng alitaptap.
Kung hindi ka duwag, e bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?
ang pang-aasar ni Amomongo.
Nagdadala ako ng ilaw para kapag nilapitan ako ng mga lamok at kakagatin ay makikita ko sila kaagad at nang sa gayo’y maipagtanggol ko ang aking sarili,
ang tugon ni Iput-Iput.
Tumawa nang malakas si Amomongo. Kinabukasan, maaga itong gumising at ipinamalita sa lahat ng kapitbahay na kaya daw laging may dalang ilaw si Iput-Iput ay dahil duwag ito. Kaagad na kumalat sa buong bayan ang balita.
Nang mabalitaan ito ng alitaptap, nagalit siya. Dali-dali siyang lumipad patungo sa bahay ni Amomongo. Gabi noon at natutulog na ang gorilya, ngunit itinapat niya ang kanyang ilaw sa mukha nito hanggang sa ito ay magising. Hoy, gorilya, bakit ipinamamalita mong duwag ako? Upang mapatunayan ko sa’yong hindi ako duwag, hinahamon kita sa isang labanan. Magkita tayo sa sa plasa sa susunod na Linggo ng hapon.
Pupunga-pungas na nagtanong ang gorilya. Mayroon ka bang mga kasama?
Wala!
ang sigaw ni Iput-Iput. Pupunta akong mag-isa.
Nangiti si Amomongo sa tinuran ni Iput-Iput. Dili’t isang maliit na insekto ang humahamon sa kanya ng away. Nagpatuloy ang alitaptap. Hihintayin kita sa plasa sa susunod na Linggo sa ganap na ikaanim ng hapon!
Magsama ka ng mga kakampi mo dahil magsasama ako ng libu-libong gorilya na mas malalaki pa sa akin. Sinabi ito ni Amomongo upang takutin ang alitaptap,
na sa pakiwari niya ay nasisiraan ng ulo. Ngunit sumagot si Iput-Iput: Hindi ko kailangan ng kakampi. Darating akong mag-isa! Paalam!
Pagkaalis ng alitaptap, tinipon ng gorilya ang kanyang mga kasamahan at ipinaalam sa mga ito ang nakatakdang pagtutuos. Inutusan niya ang mga ito na kumuha ng tig-isang pamalo na may habang tatlong dangkal at pumunta sa plasa nang ika-anim ng gabi sa susunod na Linggo. Ikinabigla ito ng kanyang mga kasamahan, ngunit nasanay na silang sundin ang kanilang pinuno kaya ipinangako nilang pupunta sila sa itinakdang oras at lugar.