Bakit Dala-dala ni Pagong ang kanyang Bahay - Page 2 of 2

(Pabula / Fable)

Sayang, sa gulogod mo sana naubos ang lanubo ko.  Kung hindi lamang sa utos ng puno ko, masasarapan ka!  Mata mo lang ang walang latay! At inakmang hagupitin si Barangaw.

Ngunit pinigil ni Barangaw ang lanubo, hinarap si Magbitag at ang wika: Malupit kang walang kaparam wala kang awa sa kapwa.  Ngayon din ay magsisi ka ng iyong mga kasalanan.

Dadaluhong sana si Magbitag ngunit ang mga paa nito ay parang natilos sa kinatatayuan at nawalan ng lakas.

Kaya si Lakan Lumatay naman ang nagtangkang humagupit kay Barangaw, ngunit ito’y nawalan din ng lakas.

Ah, malulupit, magagara ang inyong damit, maiinam ang inyong bihis ngunit wala kayong bait.  Binigyan pa naman kayo ng Lumikha ng puso’t diwa, ang bagay sa inyo ay ito! at anyong hahatawin ang kanyang tungkod.

Ngunit ang alipin ay natauhan noon at napasigaw.  Poon ko po patawarin mo po ang aking puno.  Ang akin pong anak ay itinatago ko nga!

Hindi itinuloy ang paghataw ni Barangaw.

Bakit mo itinago ang iyong anak? ang tanong sa alipin.

Ayaw ko ng anak ko na mahulog sa kamay ni Lakan.  May tunay po siyang iniibig: si Malaya, ayoko po namang piliting ibigin ng anak ko ang Lakan.  Ako po ang may sala.  Patawarin mo na po ang aking puno.

Mabuti kang kampon, aliping tapat hanggang wakas.  Bakit ang kalupitan ay sinusuklian mo ng katapatan? Dahil sa iyong hiling ay hindi ko papatayin ang iyong puno at ang humagupit sa iyo.  Subalit sila’y hindi makatao, kaya’t sila’y dapat parusahan.  Buhat ngayo’y mag-uusad silang tulad ng ibang hayop; ngunit ng sila’y may masilungan, dadalhin nila ang kanilang bahay.

Sinaling ang tungkod niya kay Lakan at si Magbitag, at ang wika sa mga ito: Mula ngayon ay dadalhin ninyo ang inyong bahay at kayo’y uusad upang huwag ng pamarisan.

Learn this Filipino word:

parang asong ulól