Lam-ang - Page 2 of 2

(Epikong Ilokano)

Ipinagtapat ng tandang at aso ang kanilang layunin.  Nais pakasalan ni Lam-ang si Ines.  Hindi naman tumutol ang mga magulang ni Ines kung magbibigay si Lam-ang ng panhik o bigay-kaya na kapantay ng kayamanan nina Ines.

Nagpadala si Lam-ang ng dalawang barkong puno ng ginto at nasiyahan ang mga magulang ni Ines.

Si Ines at si Lam-ang ay ikinasal nang marangya at maringal sa simbahan.  Pagkatapos ng kasalan, bilang pagtupad sa kaugalian ng mga tao sa Kalanutian, kailangang manghuli si Lam-ang ng mga isdang rarang.  Nakikinikinita ni Lam-ang na may mangyayari sa kanya, na siya ay makakain ng pating na berkahan.  Ipinagbilin ni Lam-ang ang dapat gawin sakaling mangyayari ito.

Si Lam-ang ay sumisid na sa dagat.  Nakain siya ng berkahan.  Sinunod ni Ines ang bilin ni Lam-ang.  Ipinasisid niya ang mga buto ni Lam-ang.  Tinipon ito at tinakpan ng saya ni Ines.  Inikut-ikutan ng mahiwagang tandang at mahiwagang aso.  Tumilaok ang tandang at tumahol ang aso.

Walang anu-ano'y kumilos ang mga butong may takip na saya.  Nagbangon si Lam-ang na parang bagong gising sa mahimbing na pagkakatulog.

Nagyakap si Lam-ang at si Ines.  Kanilang niyakap din ang aso at tandang.  At namuhay silang maligaya sa mahabang panahon.

Learn this Filipino word:

nakabitíw sa tulós