Ang Kinaligpitan Ko - Page 4 of 4

ni Dr. José Rizal

(Tagalog version of “Mi Retiro”)

Dapwa’t kung ikaw ma’y umaasa ngayong iyong makakamtan
Yaong gantimpalang hindi magmamaliw magpakailan man,
Hindi ka na paris ng dating magilas at buhay na buhay;
Sa hapis mong mukha’y may bakas na hindi mapagkakamalan:
Yaong pananalig na dapat mahalin at ipagsanggalang.

At upang aliwin, handog mo sa aki’y mga panaginip,
Nagdaang panahon ng kabataan ko’y ipinasisilip;
Kaya nga, salamat, O sigwang biyaya sa akin ng langit,
Alam mo ang oras na takdang pagpigil sa gala kong isip,
Upang ibalik mo sa pinanggalingang lupang iniibig.

Sa may kalawakan ng pampang ng tanak, lambuting buhangin,
Sa paa ng bundok na balot ng kulay na lunti sa tingin,
Ang natagpuan ko sa lupang sarili’y ampunan sa lilim
Niyong kakahuyan, at sa mga gubat… katahimikan din,
Ang pamamahinga niyaring, tighaw sa panimdim.

Learn this Filipino word:

kagát