Tagulaylay kay Federico Garcia Lorca / Lament for Federico Garcia Lorca

Tula ni

Bienvenido Lumbera

Oh ciudad de los gitanos!
Quien te vio y no te recuerda?

Ang gabi’y madilim,
Sing-itim ng daan
sa langit ang dagim.
Ang anas ng yabag
sinlabo ng dilim.

Nililok na pilak
Kagabi ang buwan –
dugong namulaklak
ng adelpa ngayon
sa gabing malawak.

Ay, Granada…

Wala kang narinig?
Tila munting ibong…
--Tagistis ng tubig
sa matandang hardin
ng marangyang kalip.

Ay, Granada…

Di mo ba narinig?
May panggabing ibong
naimpit ang awit…
--Daing ng gitarang
kuwerdas ay napatid.

Ay, Granada…

Ang daa’y kaydilim,
sindilim ng langit!
Sa gubat ng dagim
ang adelpang buwa’y
bumulwak sa dilim.

Oh ciudad de los gitanos!
Quien te vio y no te recuerda?

The night was dark,
Black as the road
Were the rainclouds in the sky.
Susurrus of footfalls
As murky as the darkness…

Last night the moon
was sculptured silver,
now it is blood that has sprung
oleander blossoms
in the vast night.

Ay, Granada…

You heard nothing?
Seemed like a small bird…
--Purling of water
in the old garden
of the magnificent caliph.

Ay, Granada…

Didn’t you hear?
There was a night bird
whose song was cut short.
--Lament of a guitar
whose string broke.

Ay, Granada…

The road was dark,
as dark as the sky.
In the forest of rain-clouds,
the oleander moon
gushed in the shade.

Learn this Filipino word:

may sunong nang abaká