Kabanata 40: - Page 2 of 2

Ang Karapatan at Lakas

(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)

Mula naman sa kinaroroonan ni Pari Salvi, nakita niya ang buong pangyayari sa liwasan.  Dumating din ang kanyang utusan na nagbalita rin tungkol sa nangyaring kaguluhan.

Bigla na lamang nakita ni Pari Salvi sa kanyang pangitain na si Maria Clara ay walang malay-tao, pangko ni Ibarra at nawala sila sa kadiliman.  Halos nagkandahulog siyang bumaba sa kumbento at nagtuloy sa liwasan.  Ngunit, wala ng tao.  Binubulyawan siya ng mga Kastila, pero hindi niya alumana.  Mabilis na tinungo niya ang bahay ni Kapitan Tiyago. Sa nakapinid na durungawan nabanaagan niya ang mga anino nina Maria Clara at Tiya Isabel.  Ang pagkabahala sa dibdib ng Pari ay unti-unting nawala.  Ligtas sa kapahamakan si Maria.  Bumalik na sa kumbento si Pari Salvi.

Learn this Filipino word:

ináamag na