Kabanata 37: - Page 2 of 2

Ang Kapitan-Heneral

(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)

Pinahalagahan ng Heneral ang paninindigan ni Ibarra sapagkat inaakala niyang higit nga niyang kilala ang Pilipinas kaysa sa kanya.  Nang maalala niya si Maria, sinabi ng Heneral kay Ibarra na puntahan na niya ang kanyang kasintahan at itagubilin ang paparoonin sa kanya si Kapitan Tiyago.  Ipinagugunita niya kay Ibarra na samahan siya sa pamamasyal.  Tumango si Ibarra at umalis na.  Kapagdaka, tinawag ng Heneral ang mga kagawad at sumunod ang Alkalde.  Sinabihan ng Heneral ang Alkalde na hindi na kailangang maulit pa ang naganap na pananghalian at ibigay ang lahat ng kaluwagan kay Ibarra sa pagsasakatuparan ng kanyang mga mabubuting layunin.  Huwag ding pakialaman si Ibarra, mariing pautos pa ng Heneral.

Tumango ang Alkalde sa tinuran ng Heneral.  Nangako siyang pangangalagaan din ang kaligtasan ni Ibarra.  Nang dumating si Tiyago kaagad na binati siya ng Heneral dahil sa pagkakaroon ng kapuri-puring anak at marangal na manunungangin. Nagprisinta pa ang Heneral na maging ninong sa kasal.

Samantala, kaagad na hinanap ni Ibarra sa Maria.  Kumatok siya sa silid ni Maria sapagkat naririnig niya ang boses nito.  Pero, hindi binuksan ang pinto at sa halip ay si Sinang ang sumilip.  Sinabi ni Sinang na isulat na lamang ni Ibarra ang sasabihin sapagkat papunta sila sa dulaan.  Nagtaka si Ibarra.

Learn this Filipino word:

taingang tapayan