Kabanata 7: - Page 3 of 3

Si Simoun

(Ang Buod ng “El Filibusterismo”)

Makatulong ka sa iba nang di magdanas ng gayon ding kasawian., tugon ni Basilio.  Ang pagpapaumanhin ay di laging kabaitan, ito’y kasalanan kung nagbibigaay-daan sa pang-aapi.  Walang mang-aalipin kung walang paaalipin.  At ipinaalaala ni Simoun na sa pag-aaral ni Basilio ay maaaring danasin nito ang dinanas ni Ibarra.  Nagtaka si Basilio.  Siya na raw ang inapi ay siya pa ang kamumuhian.  Likas sa tao ang mamuhi sa kanyang inaapi, ani Simoun.  Nguni’t di ko sila pinakikialaman; pabayaan nila akong makagawa at mabuhay.  Tugon ni Basilio na sinundan ni Simoun ng:

At magkaanak ng mababait na alipin ang mga damdaming mabuti o masama ay namamana ng anak.  Kayo ay walang hangad kundi isang munting tahanan, kaunting kaginhawahan, isang asawa; isang dakot na bigas; at iyan ang mithiin ng marami sa Pilipinas, at kung iyan ay ibigay sa inyo, ituturing ninyong kayo’y mapalad na.

Magmamadaling araw na.  Matapos sabihing di niya pinagbabawalan si Basilio sa pagbubunyag ng kanyang lihim ay sinabing kung may kailangan si Basilio ay magsadya lamang ito sa kanyang tanggapan sa Escolta.  Nagpasalamat si Basilio.  Naiwan si Simoun na nag-iisip: Di kaya niya napaniwala si Basilio sa paghihiganti o may balak itong maghiganti nguni’t naglilihim lamang at nais sarilinin iyon o sadyang wala nang hangad maghiganti.  Lalong nagtumining sa loob ni Simoun ang matinding nasa na makapaghiganti.

Learn this Filipino word:

parang kinalahig ng manók