Tuwaang

(Epic of Bagobo)

Bilingual (Tagalog-English) version

Nakatanggap si Tuwaang ng mensahe buhat sa hangin na nagsasabi na kailangan niyang dumalo ng kasal ng Dalaga ng Monawon.

Huwag kang pumunta, Tuwaang, babala ng kanyang tiyahin.  Nararamdaman ko na mayroong masamang mangyayari sa iyo doon.

Huwag kang mag-alala, tiyang.  Kaya kong alagaan ang sarili ko sinabi niya ng matatag at determinadong pumunta.

Hindi mo naiintindihan, Tuwaang.

Hindi ako natatakot sa kahit ano, tiyang.  Ngayon ang tanging nalalaman ko ay gusto ko makita ang kagandahan ng Dalaga ng Monawon.

Hindi pinakinggan ni Tuwaang ang kanyang tiyahin.  Naghanda siya sa pagdalo sa kasal.  Isinuot niya ang damit na ginawa ng mga diyos para sa kanya.  Mayroon siyang hugis pusong basket na maaaring makagawa ng kidlat.  Dala rin niya ang kanyang espada at panangga at isang mahabang kutsilyo.  Sumakay siya sa kidlat at nakarating sa kapatagan ng Kawkawangan.  Doon ay natagpuan niya ang Gungutan, isang nakapagsasalitang ibon.  Gusto ng ibon na sumama sa kanya sa kasalan kaya dinala na niya ito.  Nang makarating sa Monawon, siya ay magalang na pinapasok sa loob ng bulwagan kung saan ginaganap ang kasalan.

Nagsimulang magdatingan ang mga bisita.  Unang dumating ay ang Binata ng Panayangan, pagkatapos ay ang Binatang Liwanon at ang Binata ng Sumisikat na Araw.  Huling dumating ang lalaking ikakasal, ang Binata ng Sakadna na kasama ang isang daang lalaki.

Tuwaang received a message of invitation from the wind saying that he should attend the long waited wedding of the Dalaga ng Monawon.

Don't go, Tuwaang, his aunt warned him.  I feel that something wrong is going to happen to you there.

Don't worry, tiyang.  I can take care of myself! he said firmly, determined to go.

You don't understand me, Tuwaang.

I'm not afraid of anything, tiyang.  Right now, all I ever want is to have a glimpse of the beauty of the Dalaga ng Monawon.

Tuwaang did not listen to his aunt.  He insisted to go and prepared to attend the grand wedding.  He wore the clothes the goddesses made for him.  He got the heart-shaped basket that could make the lightning move.  He took along with him his sharp spear and shield and the long knife.  He rode in the lightning and he soon reached the beautiful boundless plain of Kawkawangan.  There, he found a Gungutan, a bright colored bird that could talk.  The bird wanted to go with him to the grand wedding so he took it along with him.  When they reached the town of Monawon, they were politely let into the hall where the wedding would take place.

The guests started coming one by one.  First to come was the young Binata ng Panayangan, then the charming Binata ng Sumisikat na Araw.  Last to come was the groom, the Binata ng Sakadna who was with his one hundred well trained men.

Learn this Filipino word:

mahinà ang loób