Artikulo VI: - Page 5 of 5
Ang Kagawarang Tagapagbatas
(Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas)
- Seksyon 27
-
- Ang bawat panukalang-batas na mapagtibay ng Kongreso ay dapat iharap sa Pangulo bago maging batas. Dapat niyang lagdaan ito kung sinasang-ayunan niya, kung hindi, dapat niyang betohan at ibalik na kalakip ang kanyang mga tutol sa Kapulungang pinanggalingan nito, na dapat magpasok ng mga tutol sa kabuuan sa katitikan nito at muling isaalang-alang ang panukalang-batas. Kung, pagkaraan ng gayong muling pagsasaalang-alang , ang dalawang-katlo ng lahat ng mga Kagawad ng Kapulungang iyon ay magkaisang pagtibayin ang panukalang-batas, ito'y dapat ipadala, kalakip ang mga tutol, sa kabilang Kapulungan upang muling isaalang-alang niyon, at kung pagtibayin ng dalawang-katlo ng lahat ng mga Kagawad ng Kapulungang iyon, ito'y magiging batas. Sa lahat ng gayong mga pangyayari, ang mga boto ng bawat Kapulungan ay dapat pagpasyahan sa pamamagitan ng mga
Oo
oHindi
, at dapat itala sa Journal nito ang mga pangalan ng mga Kagawad na bumoto nang ayon o salungat. Dapat ipabatid ng Pangulo ang kanyang pagbeto sa alin mang panukalang-batas sa Kapulungang pinanggalingan nito sa loob ng tatlumpung araw matapos matanggap ito, at kung hindi, ito ay dapat maging batas na para na ring nilagdaan niya. - Dapat magkaroon ang Pangulo ng kapangyarihang bumeto ng ano mang partikular na aytem o mga aytem sa isang panukalang-batas sa laang-gugulin, rentas, o taripa, ngunit hindi dapat magkabisa ang beto sa aytem o mga aytem na hindi niya tinututulan.
- Ang bawat panukalang-batas na mapagtibay ng Kongreso ay dapat iharap sa Pangulo bago maging batas. Dapat niyang lagdaan ito kung sinasang-ayunan niya, kung hindi, dapat niyang betohan at ibalik na kalakip ang kanyang mga tutol sa Kapulungang pinanggalingan nito, na dapat magpasok ng mga tutol sa kabuuan sa katitikan nito at muling isaalang-alang ang panukalang-batas. Kung, pagkaraan ng gayong muling pagsasaalang-alang , ang dalawang-katlo ng lahat ng mga Kagawad ng Kapulungang iyon ay magkaisang pagtibayin ang panukalang-batas, ito'y dapat ipadala, kalakip ang mga tutol, sa kabilang Kapulungan upang muling isaalang-alang niyon, at kung pagtibayin ng dalawang-katlo ng lahat ng mga Kagawad ng Kapulungang iyon, ito'y magiging batas. Sa lahat ng gayong mga pangyayari, ang mga boto ng bawat Kapulungan ay dapat pagpasyahan sa pamamagitan ng mga
- Seksyon 28
-
- Dapat na maging pantay-pantay at makatarungan ang tuntunin sa pagbubuwis. Dapat bumalangkas ang Kongreso ng isang paunlad na sistema ng pagbubuwis.
- Ang Kongreso, sa pamamagitan ng batas, ay maaaring magpahintulot sa Pangulo na magtakda sa loob ng mga tiyak na hangganan, at sa ilalim ng mga katakdaan at paghihigpit na maaaring ipataw nito, ng singil sa taripa, mga kota sa import at eksport, mga bayad sa tonnage at mga pagdaong, at iba pang mga bayarin o singilin, sa loob ng balangkas ng programa ng Pamahalaan ukol sa pambansang pagpapaunlad.
- Dapat malibre sa pagbabayad ng bwis ang mga institusyong pangkawanggawa, mga simbahan, at mga rektorya o mga kumbento na kaugnay nito, mga mosque, di pangnegosyong mga sementeryo, at lahat ng mga lupain, mga gusali, at mga mehora na aktwal, tuwiran, at tanging gamit sa mga layuning pangrelihyon, pangkawanggawa, o pang-edukasyon.
- Hindi dapat magpatibay ng batas na magkakaloob ng ano mang pagkalibre sa bwis ng walang pagsang-ayon ng mayorya ng lahat ng mga Kagawad ng Kongreso.
- Seksyon 29
-
- Hindi dapat magbayad ng salapi mula sa Kabang-yaman maliban kung ito ay ayon sa laang-guguling isinagawa sa pamamagitan ng batas.
- Hindi kailanman dapat ilaan, iukol, ibayad, o gamitin ang ano mang salapi, o ari-ariang pambayan, sa tuwiran o di-tuwiran, para sa gamit, pakinabang, o tangkilik sa ano mang sekta, simbahan, denominasyon, institusyong sektaryan, o sistema ng relihyon, o sa sino mang pari, pastor, ministro, o iba pang mga guro o dignitaryo ng relihiyon bilang gayon, maliban kung ang gayong pari, pastor, ministro, o dignitaryo ay nakatalaga sa mga sandatahang lakas, o sa alin mang institusyong penal, o ampunan o leprosaryum ng pamahalaan.
- Ang lahat ng salapi na nalikom sa ano mang bwis na ipinataw para sa isang tanging layunin ay dapat ituring na isang tanging pondo at dapat ipambayad para sa layuning iyon lamang. Kung tapos na o itinigil ang layuning kinauukulan ng paglikha ng tanging pondo, ang balanse, kung mayroon, ay dapat ilipat sa pangkalahatang mga pondo ng Pamahalaan.
- Seksyon 30
-
Hindi dapat magpatibay ng batas na nagdaragdag sa hurisdiksyon sa paghahabol ng Kataastaasang Hukuman na itinatadhana sa Konstitusyong ito nang walang tagubilin at pagsang-ayon nito.
- Seksyon 31
-
Hindi dapat magpatibay ng batas na nagkakaloob ng titulo ng pagkahari o pagkamaharlika.
- Seksyon 32
-
Dapat magtadhana ang Kongreso, sa lalong madaling panahon, ng isang sistema ng pagpapatiuna at reperendum, at ng mga kataliwasan doon, upang ang mga mamamayan ay tuwirang makapagpanukala at makagawa ng mga batas o makapagtibay o makatanggi sa ano mang batas o bahagi nito na pinagtibay ng Kongreso o ng lokal na kalupunang pangkapulungan pagkaraang maipatala ang petisyon doon na nilagdaan ng sampung porsyento man lamang ng kabuuang bilang ng mga rehistradong botante, na ang bawat purok pangkapulungan ay kinakailangang katawanin ng tatlong porsyento man lamang ng mga rehistradong botante niyon.