The Monkey and the Tortoise / Ang Buhay ni Matsing at ni Pagong - Page 2 of 2
As told in English and Illustrated by José Rizal
(Tagalog translation by Federico B. Sebastian) Tagalog version
Hindi kita bibigyan kahit balat kung iyon ay makakain
, ang sabi ng matsing na ang dalawang pisngi’y namimintog sa saging.
Nag-isip gumanti ang pagong. Nagtungo siya sa ilog at nanguha ng matutulis na susó. Itinusok niya ng mga susó sa paligid ng katawan ng punong saging at saka matuling nagtago sa ilalim ng bao ng niyog. Nasaktang lubha ang matsing at nasugatan ang katawan nang bumaba.
Nakita niya ang pagong pagkaraan ng matagal na paghahanap.
Narito ka pala, hamak na pagong
, ang sabi niya. Magbabayad ka sa iyong kasamaan; dapat kang mamatay. Ngunit yamang ako’y mapagbigay, pamimiliin kita ng iyong kamatayan. Babayuhin ba kita sa lusóng o itatapon sa ilog? Alin ang ibig mo?
Ang lusóng, ang lusóng
, ang sagot ng pagong; Natatakot akong malunod
,
Ha, ha
, ang tawa ng matsing. Ganoon pala, ano! Natatakot kang malunod! Lulunurin kita ngayon.
Pinasan ng matsing ang pagong , nagtungo sa tabing-ilog at saka itinapon ang kaniyang dala sa tubig. Pagkaraan ng ilang sandali, ang pagong ay lumitaw na lumalangoy at nagtatawa sa nadayang matsing.
Sebastian, Federico B.; Dalawang Pabulang Silanganin (Manila: Banaag Press); 1943.
See also the The Monkey and the Tortoise As told in English and Illustrated by José Rizal Original text in English and The Monkey and the Tortoise / Ang Buhay ni Matsing at ni Pagong Illustrated by José Rizal (Tagalog translation by Federico B. Sebastian) Bilingual (English-Tagalog) version.