The Monkey and the Tortoise / Ang Buhay ni Matsing at ni Pagong
As told in English and Illustrated by José Rizal
(Tagalog translation by Federico B. Sebastian) Tagalog version
Isang araw, ang matsing at ang pagong ay nakakita ng punong saging na lumulutang sa maalong tubig ng ilog. Ito’y isang magandang puno, may malalaki’t luntiang dahon, at may mga ugat pang wari’y kabubuwal lamang pagkatapos ng bagyo. Iniahon nila sa pampang ang punong saging. Ito ay hatiin natin
, ang sabi ng pagong, at saka itanim.
Pinutol nila ang punong saging sa gitna. Ang matsing ay higit na malakas kaysa pagong kaya naari niyang kunin ang gawing dulo, sa pag-aakalang ang may maraming dahon ang madaling tumubo. Napasa-mahinang pagong ang gawing ibabang sa tingin ay pangit ngunit nagtataglay naman ng maraming ugat.
Nagtagpo ang dalawa pagkaraan ng ilang panahon.
G. Matsing
, ang sabi ng pagong, kumusta ang iyong punong-saging?
Naku
, ang himutok ng matsing, matagal nang patay! At ang iyo, Bb. Pagong?
Mabuti, napakabuti!
ang sagot ng pagong. Hindi lamang ako makaakyat sa puno at makapamitas ng mga bunga.
Bayaan mo
, ang wika ng mapanlinlang na matsing, ako ang aakyat at mamimitas para sa iyo.
Lalong mabuti, G. Matsing
, ang nasisiyahang sagot ng pagong.
Ang dalawa ay lumakad na patungo sa bahay ng pagong.
Nang makita ng matsing ang mga bungang hinog na nangagbitin sa pagitan ng malalaki’t luntiang dahon, siya ay umakyat, matuling namitas, at kumain nang kumain.
Bigyan mo naman ako ng mga ilan
, ang wika ng pagong nang makitang hindi man lamang siya pinapansin ng matsing.