Lope K. Santos

ni Josefina V. Cruz

(Sabayang Pagbigkas)

Buong kalikasan ay nananariwa,
Ang mga bulaklak may bango’t sanghaya,
Paruparo’t ibon mandi’y natutuwa,
Sila’y bumabati sa ating makata.

Si Lope K. Santos, tulad ni Balagtas
Siya ay makatang may sariling tatak,
Matamis ang dila, ang diwa’y may pakpak,
Makapangyarihan ang kanyang panulat.

BANAAG AT SIKAT na kanyang nilikha,
Tanyag na nobela, makatas, madiwa,
Ito ay salamin ng kanyang adhika,
Ng tibay at tatag ng paniniwala.

Ang mumunting bagay kanyang dinakila,
Sa aklat na tangi, HAMAK NA DAKILA,
Sapot, abo’t yagit ang sabi’y biyaya,
Hamak man daw bagay, mahalagang sadya.

Kilala rin siya ama ng BALARILA,
Na siyang sanligan nitong ating wika,
Sa buong buhay niya’y marubdob na nasa,
Malinang ang wikang tatak ng paglaya.

Sa tanging dambana nitong panitikan,
May luklukan siyang kanyang-kanya lamang,
Ang panitik niyang may sigla’t may buhay,
Sa puso ng baya’y walang kamatayan.

Learn this Filipino word:

may pakpák ang balità
 

Ridgeview Estates NUVALI Each moment as perfect as the first Calamba, Laguna

South Park District: Avida Land's new residential, retail and business district in Alabang