Kay Dr. José Rizal

ni Josefina V. Cruz

(Sabayang Pagbigkas)

Ika-30 ng Disyembre na naman,
Araw na puspos ng kabayanihan,
Makasaysayang araw sa ating bayan,
Araw na itinakda para kay Rizal.

Sa araw na ito, tayo'y nagdiriwang,
Ginugunita ang bayaning si Rizal,
Sinasariwa ang kanyang kagitingan,
Na sa Pilipino'y ulirang huwaran.

Itong Pilipinas ng kanyang minahal
Nang higit sa lahat sa kanyang buhay,
Mula sa pagkabata ay kanyang inasam,
Ito ay makitang Perlas ng Silanganan.

Nagluksa ang bayan nang siya'y mamatay,
Lumuha ang lahat sa kanyang pagpanaw,
Nagising at namulat ang mamamayan,
Upang mangagbangon sa kaalipinan.

Buong giting siyang naghandog ng buhay,
Sa ikatutubos nitong ating bayan,
Nang siya'y mamatay, nagbukang-liwayway,
Sa bansang alipin ng mga dayuhan.

Ngayon ay dinadakila nang taimtim,
Ang kagitingan niyang aral sa atin,
Itong buhay niya'y mananatili rin
Sariwa sa puso nitong lahi natin.

Learn this Filipino word:

boses ipis