Ang pagbabagong anyo ng piyesa
Ang pagbabagong anyo ng isang uri ng panitikan tungo sa piyesang pansabayang pagbigkas ay nangangailangan ng ganap na pagkaunawa sa diwa ng seleksyon. Upang maunawaan ang diwa, kinakailangan ding malaman ang kayarian nito, ang batayang paglinang ng karakter at ang pangunahing kasukdulan at ang sentral na diwa nito.
Naririto ang iminumungkahing pamamaraan ni Andrade sa pagbabagong-anyo ng piyesa :
Una, basahin muna ang buong sarswela upang lubusang matarok ang kabuuang diwa nito.
Ikalawa, alamin ng mananaliksik ang mga pangunahin at pangalawang tauhan at tantayain ang katangian ng bawat isa upang mabigyan ng tumpak na karakterisasyon.
Ikatlo, tukuyin ang mahalagang pangyayaring maaaring maitanghal nang madula. Ang mga bahaging hindi naman gaaanong mahalaga ay maaaring kaltasin. Ang mga pangyayaring naganap na o mga reaksyon ng ilang tauhan ay ipapasok na lamang sa pagsasalaysay ng koro. Sa pagsasagawa ng iskrip kung gayon, hindi na kailangang sundin pa ang orihinal na pagbabahagi ng mga tagpo at eksena sa dulang pinaghalawan. Gagamitin na lamang ang koro upang magsalaysay at magpahayag ng transisyong naganap sa daloy ng mga pangyayari.
Ikaapat, gumamit ng mga salita o pariralang nagpapakita ng ritmo, indayog at aliw-iw pananatilihin ding ang mga matalinhagang pananalitang matatagpuan sa akda. Nasa mga katangiang ito masisilayan ang kariktan ng piyesa.
Ikalima, ayusin ng piyesa sa pamamagitan ng pagpapangkat nito sa tatlong bahagi:
- Grupo o Tinig – binubuo ng pangkat o uri, bilis at lkas ng tinig.
- Dayalogo o Bigkas – tumutukoy sa pagahahati ng mga pahayag at pagbibigay diin sa mga salita o grupo ng salita.
- Interpretasyon – tumutukoy sa paglalarawan ng kilos, blaking pormasyon, pag-iilaw, kasuotan, musika, kagamitan at iba pa.