Mga pananda at sagisag na gagamitin sa piyesa

  1. Pangkat

    I – Unang Pangkat na ang mga tinig ay may uring matinis o mataas.

    II – Ikalawang pangkat – may karaniwang tinig

    III – Pangatlong pangkat – may malagom na tinig

    Lahat – Lahat na tinig na magkasabay (I-III)

    Solo – Isang babae o isang lalaki ayon sa itinakda

  2. Bilis

    Mbgl – mabagal

    N – normal

    Mbls – mabilis

    Mblss – mabilis na mabilis

    Pbls – pabilis

    Pgl – pabagal

    B – bulong

  3. Lakas

    Mh – mahina

    K – katamtaman

    Mlks – malakas

    Mlkss – malakas na malakas

    Pa-lks – palakas

    Phna – pahina

    Pabl – pabulong

    Pa-echo – umaalingawngaw na tinig, gumaganti at bumabalik

  4. Iba pang mga sagisag

    / - Hati sa normal na paghinto ng tinig ang paghinga. Hindi gaanong mabagal ang hinto o tigil.

    // - Hati sa normal na paghinto ng tinig ang paghinga. Matagal nang kaunti ang hinto o tigil, katumbas ng dalawang pitik.

    /// - Hinto nang matagal na may bilang na tatlong pitik.

    Kn – kanan ng mambibigkas kapag nakaharap sa manonood.

    Kl – kaliwa ng mambibigkas kapag nakaharap sa manonood.

    Lkd – likod – banding likod at malayo sa mambibigkas

    …. – lagyan ng diin

    [ - walang hinga, hindi hihinga sa dulo ng linya o taludturan, gawing tuloy-tuloy ang pagbigkas.

Learn this Filipino word:

maiklî ang pisì