Bugtong (Sari-sari) - Page 2 of 2

Sagot

Bugtong

Matanda

Ang dalawa'y tatlo na,
Ang maitim ay maputi na
Ang bakod ay lagas na.

Barbero

Pari ma't arsobispo
napapagalaw ang ulo.

Ulol

Kulang sa pito
Labis na walo.

Unano

Pag malayo ay bata,
pag malapit ay matanda.

Kuba

Humangin, at umaraw,
daladala'y balutan.

Nagliligawan

Nagtanim ako ng dayap,
sa gitna ng dagat,

Marami ang nagsihanap,
isa lang ang nagkapalad.

Pangalan

Sariling-sarili mo na
Ginagamit pa ng iba
Kahit walang pahintulot ka.

Sementeryo

Kain ng kain, hindi marunong mabusog

Learn this Filipino word:

lulunín ang baníg