Bugtong (Mga Pagkain) - Page 3 of 5

Sagot

Bugtong

Mangga

Hugis puso, kulay ginto
Mabango kung amuyin,
masarap kung kanin

Sibuyas

Katawan nito'y hiniwa-hiwa
Kaya ikaw ay lumuluha

Papaya

Bahay ni Sta. Ines
Punong-puno ng perdigones.

Puno ay buku-buko, dahon ay abaniko,
Ang bunga ay parasko, perdigones ang buto.

Pinya

Bahay ni Sta. Maria
Naiinog ng sandata.

Isang prinsesa
Punung-puno ng mata

Sumusubong kanin

Naupo si Itim, sinulot ni Pula,
Eto na si Puti na bubuga-buga.

Labanos

Nang ihulog ko'y ganggabinlid
Nang hanguin ko'y ganggaihip

Learn this Filipino word:

matimtimang birhen