Ang Alamat ng Kamya

Maganda ang kamya. Ang bulaklak na ito ay puting-puti at napakabango.  Saan kaya ito nagmula?  Bakit kaya ito sa tabing-ilog tumutubo?  Maganda ang kuwento sa sasagot sa mga tanong na ito.  Ito raw ay nangyari noong unang panahaon na nakikita at nakikipag-usap pa sa mga tao ang mga diwata at mga diyos ng kalikasan.

Sa isa raw malayong nayon ay may isang napakagandang dalagita na ang pangalan ay Miya.  Siya at ang kanyang matandang ingkong ay nakatira sa isang dampa na nasa tabi ng ilog.  Ang kanilang ikinabubuhay ay ang pamimingwit ng isda, pamumulot ng suso at pangunguha ng pako at gabe sa pampang ng ilog.  Kanila itong inilalako sa maliit nilang pamayanan.

Minsan, nagkasakit ang ingkong ni Miya kaya napag-isa siya sa pamimingwit, sa pamumulot ng suso at pangunguha ng pako at gabe sa pampang ng ilog.  Isang umagang maganda ang sikat ng araw, habang namimingwit ay nawili siyang magmasid ng paligid.  Minasdan niya ang mga ibon sa mga punungkahoy, ang mga paruparo sa ligaw na bulaklak, ang sariwang damo sa paligid, ang makahoy na mga burol at bundok.  At saka natuon ang tingin ni Maya sa malinaw na tubig at naramdaman niyang may isdang kumakagat ng pain ng kanyang bingwit.  Hihigitin na sana niya ang bingwit nang biglang napansin niya ang munting ipuipo sa tubig.  Lumalaki nang lumalaki ang ipuipo hanggang sa sumipot sa gitna nito isang makisig na binata.

Magandang umaga, bati ng binata sa dalagita.  Natakot si Miya kaya mabilis siyang lumakad paalis nang marinig niya ang kanyang pangalan na tinatawag ng binata.

Miya huwag kang matakot.  Ibig ko sanang makipagkaibigan sa iyo, wika ng binata.

Bakit mo ako kilala?, tanong ng dalagita.

Araw-araw ay naririto ako at minamasdan ka.  Nakilala ko ang iyong pangalan nang minsang tawagin ka ng iyong Ingkong, sagot ng binata.  Nasaan ang iyong Ingkong at ilang araw na di mo siya kasama?

A, may sakit siya, sagot ni Miya.  Kaya nga nag-iisa ako sa pamimingwit, sa pangunguha ng mga suso, ng gabe at pako.

Tutulungan kita, wika ng binata.  Siyanga pala, ako si Kam.

At iyon ang naging simula ng magandang pagkakaibigan nina Kam at Miya.  Tuwing umaga ay nadadatnan na ng dalagita ang binata na namimingwit sa pampang ng ilog na marami nang huling isda.  Nakahanda na rin ang pinanguha niyang suso, gabe at pako.

Lumipas ang mga araw.  Napamahal kay Miya si Kam.  Minsan napansin ng dalagita na malungkot ang binata at kanya itong tinawag,  Bakit Kam? May sakit ka ba?

Wala, kaya lamang kailangang ipagtapat ko na sa iyo ang aking lihim, wika ni Kam.  Hindi ako karaniwang tao, Miya.  Ako ay anak ng diyos ng mga ilog.  Iniibig kita ngunit sinabi ng diyosa kong ina na hindi ako maaaring pakasal sa karaniwang taong tulad mo.  Ngunit huwag kang mag-alaala Miya.  Ano mang mangyari ay pakakasalan kita.

Learn this Filipino word:

ampalayáng-ampalayá