Ang Alamat ng Dama de Noche - Page 2 of 2

Nagluksa ang munting kaharian ng datu sa pagkamatay ng mahal nilang reyna.  Nagsisi si Datu Makisig.  Ang nalulungkot na Datu ay nakakita ng isang lunting halaman sa puntod ni Dama.  Inalagaan niya ito nang mabuti at hiniling niya kay Bathala na pamalagiing lunti ang halaman sa puntod ni Dama.

Lumipas ang maraming araw.  Lumaki at lumago ang halamang inaalagaan ni Datu Makisig.  At dumating ang araw na sumulpot ang bulaklak ng halaman.

Lunti ang mga bulaklak, wika ng datu.  Dininig ni Bathala ang aking pakiusap.  Salamat sa bigay ninyong alaala sa akin ni Dama.

Nang gabing iyon, may nalanghap na pabango ni Dama si Datu Makisig.  Hinanap niya ang pinagmumulan ng halimuyak ng pabango sa kanyang silid.  Ngunit wala siyang nakita sa halip naamoy na muli niya ang mabangong halimuyak na waring nanggagaling sa halaman sa puntod ni Dama.  Dali-dali niyang pinuntahan ang halaman.  Natiyak ni Datu Makisig na ang mga bulaklak na lunti ang pinagmumulan ng mabangong halimuyak ng pabango ni Dama.

Magmula na noon, tuwing gabi ay laging makikita si Datu Makisig sa tabi ng halaman na sinasamyo ang halimuyak ng bulaklak na alaala ng yumaong asawa.  Hanggang isang umaga nakita ng mga alagad ng datu na wala ng buhay si Datu Makisig na nakayakap sa tabi ng halamang lunti.

Lumipas ang mga taon.  Dumating ang mga Kastila sa dating munting kaharian ni Datu Makisig.  Napansin nila ang halamang lunti sa bawat bakuran ng tahanan.  Sa pagtatanong-tanong ay nalaman nila ang magandang kuwento ng halamang lunti at ang pag-iibigan nina Datu Makisig at Dama.  Tinawag nilang Dama de Noche ang bulaklak na lunti dahil sa gabi ito bumabango.  At magmula na noon tinawag ng lahat na Dama de Noche ang lunting bulaklak na alaala ni Dama kay Datu Makisig.

Learn this Filipino word:

ináamag na