Ang Alamat ng Dama de Noche

Magaganda at mababango ang mga bulaklak sa ating bansa.  Isa na rito ang bulaklak ng Dama de Noche.  Natatangi ito sa mga bulaklak sapagkat lunti ang kulay nito at sa gabi ito humahalimuyak sa bango.  Narito ang isang kuwento na nagpapaliwanag kung bakit sa gabi humahalimuyak sa bango ang bulaklak ng Dama de Noche.

Noong unang panahon ang mga pamayanan o mumunting kaharian sa ating kapuluan ay pinamumunuan ng mga datu at sultan.  Sila ay iginagalang at pinagsisilbihan ng mga taong kanilang mga nasasakupan.  Nasusunod nila ang bawat maibigan.  Nakapamimili sila ng babae na pakakasalan nila.

Ganito ang katayuan ni Datu Makisig.  Bata pa siya at makisig kaya maraming dalaga na anak ng matatandang datu at sultan sa karatig na mga kaharian ang nagnanais na maging asawa niya.  Ngunit walang mapili si Datu Makisig sa kanila.

Minsan sa pagbibisita ni Datu Makisig sa malayong pook na nasasakop ng kanyang kaharian ay nakita niya si Dama.   siyang dalagang mahirap ngunit ubod ng ganda.  Sinuyo si Datu Makisig ang dalaga at ang mga magulang nito.  Hindi nagtagal, sila ay pinagtaling-puso.

Naging mabuting maybahay si Dama.  Gumanda ang palasyo ng munting kaharian ni Datu Makisig.  Lagi na itong malinis at maayos.  Nagkaroon ito ng mga palamuti.  Masasarap ang pagkaing niluluto ni Dama para kay Datu Makisig at sa kanyang mga nagiging panauhin.  Winiwisikan niya ng pabango ang kanilang silid upang mahimbing ang tulog ng asawang datu.

Kung ilan ding taong maganda ang pagsasama ni Datu Makisig at ni Dama.  Ngunit hindi sila magkaroon ng mga anak.  Ito ang naging dahilan nang pagbabago ng datu.  May mga panahong hindi na siya umuuwi kung gabi at hindi na niya kinakain ang pagkaing niluluto ni Dama.  Madalang na rin niyang kausapin ang asawa.

Dinamdam ni Dama ang pagbabago ng mahal niyang asawa.  Gayunman, higit niyang pinagbuti ang pagsisilbi sa asawang datu.  May mga gabing hindi siya kumakain at natutulog sa pag-aantay kay Datu Makisig.  Dahil dito, humina ang katawan ni Dama hanggang sa siya ay magkasakit.

Isang gabi, umuwi si Datu Makisig.  Gaya ng dati, nalanghap niya ang pabango sa kanilang silid ngunit nakaratay sa sakit si Dama.

Mahal na Datu, malubha ang sakit ng mahal na reyna, wika ng mga manggagamot sa nasa tabi ng maysakit na si Dama.

Naawa si Datu Makisig sa maysakit na asawa.  Kinalong niya at hinagkan ang asawa at saka siya humingi ng tawad.  Nagmulat ng mata si Dama, yumakap sa datu at may ngiti sa labing sinabi: Salamat at dumating ka. Mahal kita.  Ibig kong paglingkuran ka pa.  Ngunit kinukuha na ako ni Bathala.  Paalam mahal kong datu.

Learn this Filipino word:

birò ng tadhanà