Si Biuag at Malana - Page 2 of 3

(Ang Epiko ng Cagayan)

Isang araw dinalaw niya ang dalaga.  Nakiusap itong hingin ang kanyang kamay upang pakasalan siya.  Ngunit binigo niya si Biuag at sinabi niyang si Malana ang kanyang tanging minamahal.

Nagpanting ang tainga ni Biuag sa narinig.  Hindi niya ito tatanggapin.  Nagsabi siyang hindi karapat-dapat si Malana para sa kanya, dako ng kinaroroonan ni Malana.  Dinampot ni Malana ang pana.  Tanda ng pagsang-ayon sa hamon ni Biuag.

Sumapit ang takdang araw ng kanilang labanan.  Ang mga bundok ay napaligiran ng mga taong nais sumaksi sa paghahamok na iyon ng dalawa.  Sa may di-kalayuan ay ang taga-Malaueg ang dumating.  Sa unahan ay ang matikas at matipunong si Malana.  Nang makita si Biuag, siyan’y nanggalaiti sa matinding galit.  Naunang nagsalita si Malana, Alam ko na kung bakit mo ako hinahamon, sabi ni Malana.  Ibig mong agawin ang minamahal ko.  Ipinagbabawal ng Diyos ang pag-agaw na kahit ano na hindi mo pag-aari.  Subalit tinatanggap ko ang hamon mo.  Kung nanaisin ng dalagang minamahal ko ay aking ipaglalaban ang pagmamahal ko.

Si Biuag ay sinamahan ng mga taga-Enrile.  Siya’y nakatayo sa kabilang bundok tangan ang pana’t isang punong niyog na binunot.  Dinig na dinig niya ang malakas na sigaw ng taga-Malaueg para kay Malana.  Sa isip niya’y gusto niyang patayin lahat ang mga tao ni Malana.

Si Malana naman ay nasa kabilang bundok.  Sa kanilang kinalalagyan sa tuktok ng mga kapwa napansin nila ang pagdating ng isang bangkang tumatawid sa pagitang ng dalawang bundok na lulan ang dalagang pinag-aawayan.  Nalungkot ang dalaga sa mga nagaganap.  Subalit sa tingin ng dalawang magtutuos ay sadyang napakaganda ng dalaga.

Nang mapatapat ang dalaga sa kanila, biglang sumigaw si Biuag Malana, ang babaing kapwa natin minamahal ay nasa harap natin.  Kung sadyang malakas ka ay humanda ka sa aking regalo na nagbuhat pa sa Enrile, dala ko para sa iyo.

Walang sabi-sabing inihagis ni Biuag ang punong niyog kay Malana.  Mabilis ang pagsalo ni Malana, at hindi sa kalabaw inihagis ang punong niyog kundi sa dako ng nayong Il-Luro sa bayan ng Rizal.

Pinaniniwalaan na dito nagsisimula ang maraming niyugan sa lugar na iyon.

Lalong nagngitngit sa galit si Biuag.  Hinugot ang sibat at gustong ipukol kay Malana na inaasahang sa puso nito tatamaan.  Subalit sa kasamaang-palad, ito’y nagmintis.  Hindi sa puso ni Malana kundi sa ilog tumama ang sibat.

Humanda ka, matikas na Biuag, sigaw ni Malana.  Wala nang lahat ang armas mo.  Pagkakataon ko naman ngayon.

Ngunit bago matapos ni Malana ang pagsasalita’y biglang lumukso sa ilog sa ibaba si Biuag.  Biglang nagkaroon ng malalaking alon na humampas sa malalaking bato at ito ang yumugyog sa bundok na kinatatayuan ni Malana.  Nang magpakitang muli si Biuag ay tangan-tangan niya ang pinakamalaking buwaya na siyang ikinamangha ng mga taong sumaksi sa labanang iyon.

Learn this Filipino word:

nahíhigâ sa salapî