Labaw Donggon - Page 2 of 2

(Epikong Bisaya)

Nang makita ni Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon si Labaw ay napaiyak sila sa pighati.  Nalaman nilang hindi na makarinig si Labaw, hindi na rin nito nagamit ang pag-iisip.  Pinaliguan nila ito, binihisan at pinakain.  Inalagaan nila ito ng mabuti.  Samantala, si Buyung Humadapnon at Buyung Dumalapdap, mga bayaw ni Anggoy Ginbitinan ay ikinasal kina Burigadang Pada Sinaklang Bulawan at Lubaylubyok Hanginon Mahuyukhuyukon.  Ang dalawang babae ay ang magagandang kapatid ni Nagmalitong Yawa.

Nang malaman ni Labaw Donggon ang kasal sinabi nito sa dalawang asawa na nais niyang mapakasalan si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata.

Gusto kong magkaroon ng isa pang anak na lalaki! sabi ni Labaw Donggon.

Nagulat sina Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon sa sinabi ng asawa at dahil mahal na mahal nila ang asawa ay tinupad nila ang kahilingan nito.  Humiga si Labaw sa sahig at pumatong ang dalawang babae sa kanya, naibalik ang kanyang lakas at sigla ng isip.  Masayang-masaya si Labaw at ang kanyang tinig ay umalingawngaw sa buong lupain.

Learn this Filipino word:

pagtatampisáw sa putik