Darangan - Page 2 of 2

(Epikong Maranao)

Tumango na lamang ang mga ministro at mga kawal.  Ngunit nagkaroon ng isang bitak sa pagitan ni Prinsipe Bantugan at Prinsipe Madali.  Sapagkat si Prinsipe Bantugan ay hindi lamang matapang at malakas, siya rin ay napakakisig.  Maraming magagandang babae sa kaharian ang nahuhumaling sa kanya.  Kahit ang mga babaeng gusto ng kanyang kapatid na si Prinsipe Madali ay sumuko sa kanyang gayuma.  Dahil sa galit at inggit, nagpahayag ang hari ng kautusan.

Hindi ko gusto na kahit sino, kahit sino, ang makikipag-usap sa aking kapatid na si Prinsipe Bantugan.  Sino man ang makita na nakikipag-usap sa kanya ay ipapakulong o kaya ay parurusahan ng malubha.

Nalungkot si Prinsipe Bantugan sa iniutos ng kanyang kapatid.  Nakita niya ang sarili na parang mayroong nakakahawang sakit.  Lahat ay lumalayo sa kanya, kahit ang mga kababaihan.  Kahit ang mga taong kanyang minahal.  Walang gustong kumausap sa kanya sa takot na baka makulong maparusahan ng hari.  Dahil hindi na niya matagalan ang mga ito, nagpasiya ang prinsipe na lisanin ang kaharian at manirahan sa malayong lugar kung saan siya nanirahan habambuhay.

Ang Darangan ng mga Muslim ay mga salaysay na patula hinggil sa kabayanihan ng mga nasa Magindanaw, mga gawaing kahanga-hanga at di sukat mapaniwalang kabayanihan at kagitingan ng mga mandirigmang Muslim. Ang Darangan ay hindi iisang epiko – marami – ngunit tatatlo lamang ang napasalin pa sa Ingles at ito’y utang sa pagsasaliksik ni G. Frank Lauback. Ang mga Darangan ay nasusulat sa wikang Maranaw. Ang lalong popular sa lahat ay ang Bantugan, na paulit-ulit na binibigkas sa dating pagkakakatha sa palibot ng Lawa ng Lanaw. May ilang mga Muslim ngayon na nakapag-uulit sa kabuuan ng Bantugan.

See also the Bilingual (Tagalog-English) version of Darangan (a Maranao epic) and Bantugan (Epikong Mindanao), a similar epic.

Learn this Filipino word:

dagok ng kapalaran