Sa Lumang Simbahan

Sa lumang simbahan aking napagmasdan
Dalaga't binata ay nagsusumpaan
Sila'y nakaluhod sa harap ng altar
Sa tig-isang kamay may hawak na punyal

Kung ako'y patay na ang bilin ko lamang
Dalawin mo giliw ang ulilang libing
At kung maririnig mo ang taghoy at daing
Yao'y pahimakas ng sumpaan natin

At kung marinig mo ang tugtog ng kampana
Sa lumang simbahan dumalaw ka lamang
Lumuhod ka giliw sa harap ng altar
At iyong idalangin ang naglahong giliw

Learn this Filipino word:

matigás ang pusò