Pagtatanim Ng Palay
Kay pagkasawing palad, ang ianak sa hirap;
Ang braso kundi iunat, di kumita ng pilak.
Sa umaga pagkagising, lahat ay iisipin;
Kung saan may patanim, may masarap na pagkain.
Magtanim ay hindi biro, maghapong nakayuko;
Di naman makatayo, di naman makaupo.
Braso ko'y namamanhid, baywang ko'y nangangawit;
Binti ko'y namimitig, sa pagkababad sa tubig.
Chorus:
Halina, halina mga kaliyag,
Tayo'y magsipag-unat-unat;
Magpanibago tayo ng lakas,
Para sa araw ng bukas.