Maruja

Maruja, tunay kang pinagpala
Sa yaman, sa ganda at sagana
Larawan ka ng isang kagandahan
Sa pagsinta'y di mapapantayan kailan man

Maruja, ang busilak mong puso,
Sagisag ng tapat na pagsuyo
Hanggang wakas, pag-ibig mo'y di magmamaliw
Kahit mamatay man ikaw

[Refrain]

Kung sadyang sawi ang pag-ibig
Ay laan pa ring magtiis
Maruja, ang busilak mong puso
Sagisag ng tapat ng pagsuyo

Hanggang wakas, ang pag-ibig mo ay tunay
Maruja, wala kang kapantay

Lyrics by Levi Celerio

Learn this Filipino word:

saanmáng gubat ay may ahas