Bayan Ko

Ang bayan kong Pilipinas,
Lupain ng ginto't bulaklak;
Pag-ibig ang sa kanyang palad,
Nag-alay ng ganda't dilag.
At sa kanyang yumi at ganda,
Dayuhan ang nahalina;
Bayan ko! binihag ka, na sadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad,
Kulungin mo at umiiyak;
Bayan pa kayang sakdal dilag,
Ang di pa magnasang makaalpas,
Pilipinas kong minumutya,
Pugad ng luha kot't dalita;
Aking adhika makita kang sakdal laya.

Learn this Filipino word:

ilakò ang puri