Bakya Mo Neneng
[Soprano]
Sa dakong silanganan may lahing dakila
Ang puri't karangalan
Karaniwan ang damit kay inam pagmasdan
Baro't sayang mapula at kundiman.
Kundiman ito kung tawagin ninyo
Sa tugtugin may kundiman at balitaw tayo
Kay lungkot dingin ng awit na ito
Pananambitan at tagho'y ng puso mo.
[Repeat this stanza]
Hirap at sakit, mga kalungkutan
Ang tanging panlunas ay lambing ng awitan,
Sa puso ko ay hindi mapaparam,
Ang ating balitaw at kundiman.
[Repeat this stanza]
[Baritone]
Bakya mo, Neneng, luma at kupas na
Ngunit may bakas pa ng luha mo, sinta
Sa alaala'y muling nagbalik pa
Ang dating kahapong tigib ng ligaya
Nguni't, irog ko, bakit isang araw
Hindi mo ginamit ang bakya mo aking hirang
Sa wari ko ba'y di mo kailangan
Pagkat kinupasan ng ganda at kulay.
[Repeat this stanza]
Ang aking pag-asa'y saglit na pumanaw
Sa bakya mo, Neneng, na di pa nasilayan
Kung inaakalang 'yan ay munting bagay,
Huwag itapon, aking buhay, ang aliw ko kaylan man
[Repeat this stanza]
Lyrics by Levi Celerio